Uri ng Tayutay Flashcards
Matatalinghagang salita na ginagamit upang maging kaakit-akit ang pahayag
Tayutay
Direktang pakikipag-usap sa isang bagay na hindi makatutugon.
Pagtawag (Apostrophe)
Paggamit ng ibang pangalan upang tukuyin ang isang tao, organisasyon, at iba pa.
Pagpapalit-tawag (Metonymy)
Paggamit ng mga salitang taliwas sa totoong nais ipahayag at kadalasang ginagamit sa pangungutya.
Pag-uyam (Irony)
Mga pahayag na sinasadyang napakalabis o napakakulang upang idiin ang tunay na kalagayan.
Pagmamalabis (Hyperbole)
Paghahalintulad ng dalawang bagay na hindi gumagamit ng mga salitang tulad ng, para ng, kawangis ng, animo, at iba pa.
Pagwawangis (Metaphor)
Paggamit ng tunog bilang representasyon sa isang buhay o hindi buhay na bagay
Paghihimig (Onomatopoeia)
Paggamit sa bahagi o parte ng isang tao o bagay upang maging kinatawan ng kaniyang kabuuan.
Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
Mga salitang ipinapalit sa mga pahayag na malaswa, marahas, at makapagdaramdam.
Pahiman (Euphemism)
Paghahambing ng dalawang magkaibang tao, bagay, hayop, pangyayari na may pagkakapareho at gumagamit ng mga salitang tulad ng, para ng, kawangis, animo, at iba pang katulad.
Pagtutulad (Simile)
Paggamit ng mga salitang nagbibigay ng panaong katangian sa hayop o bagay.
Pagbibigay-katauhan (Personification)