Mga panunuring pampanitikan(?) Flashcards
Ito ay ang pagsusuring ginagamit sa pagtukoy ng pamantayang moral ng isang akda.
Dulog Moralistiko
Ito ay isang malaking kilusan sa sining at panitikan na umusbong sa Europa noong mga huling bahagi ng 1800. Makikita rin sa dulog na ito ang pagpapalutang sa damdamin kaysa isipan.
Romantisismo
Nakatuntong ang panunuring ito sa kakayahan ng taong mapagtagumpayan ang maraming balakid.
Dulog Humanismo
Ito ay isang dulog pampanitikan na nakatutok sa kayarian ng teksto. Ang ganitong pagbasa sa panitikan ay iniudyok ng mga kilusan sa sining na naniniwalang ang sining ay marapat na nakapagsisilbi lamang sa sarili o art for art’s sake.
Dulog Formalismo
Ito ang panunuring pampanitikan na nakatutok sa siyentipikong pagbasa sa akda na nagdidiin ng realidad gaano man ito ka-negatibong tingnan.
Dulog Naturalismo