Unit 3 Flashcards
Ano ang buong pangalan ng doctrina christiana
Doctrína Christiána en lengua española y tagala
ang kauna-unahang limbag na aklat sa Pilipinas.
Doctrina Christiana
Sino ang nagsulat ng Doctrina Christiana sa wikang kastila
Padre Domingo Nieva
Sino ang nagsulat ng Doctrina Christiana sa wikang tagalog
Padre Juan de Plasencia.
Kailan inilathala ang doctrina christiana
1593
Doctrina Christiana Nilalaman nito ang mga dasal at aral na:
o Ang Ama Namin;
o Ang Aba Ginoong Maria;
o Ang Sumasampalataya;
o Ang Aba Po;
o Ang Sampung Utos;
o Ang Utos ng Santa Iglesya;
o Ang Pitong Sakramento;
o Ang Pitong Punong Kasalanan at kaukulang Pakikinabang;at
o Ang “Tanungan” para sa pangungumpisal.
Pinaniniwalaang nagsimula pa noong 16 siglo ang _____ na naririnig tuwing Semana Santa dahil na rin sa impluwensiya ng mga mananakop na Kastila.
“Pabasa” o “Pasyon”
Ang sinasabing kauna-unahang bersyon sa tagalog ng pasyon ay ginawa ng isang ____, at sinundan naman ng isang paring _____
Batangeño at Bulakeño.
Sino ang gumawang ang unang Pasyon sa Tagalog at kailan
Gaspar Aquino de Belen noong 1704
ay isang Batangeno, manunula, at naging tagasalin o translator ng mga paring Heswita.
Si De Belen
Ang pasyon na isinulat ni De Belen ay may titulong,
“Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola.“
kailan ginawa ng bulakenong pari and bersyon niya ng pasyon at sino siya
Taong 1814; Mariano Pilapil
pamagat ng pasyon ni mariano pilapil
“Pasyong Mahal ng Panginoong Hesukristo,” na kilala rin sa tawag na “Pasyong Pilapil.”
ay binubuo ng limang taludtod, katulad ng quintilla ng mga Espanyol, ngunit may isahang tugma at bawat taludtod ay may sukat na wawaluhin.
pasyon
Nakabatay sa ____ ang dulang senákuló na itinatanghal din kung Mahal na Araw.
pasyon
isinulat ni Padre Modesto de Castro noong 1864
URBANA AT FELIZA
sino at kailan sinulat ang URBANA AT FELIZA
Padre Modesto de Castro noong 1864
“Ama ng Klasikong Tuluyan sa Tagalog”.
Padre Modesto de Castro
ng “Urbana at Feliza” na ang buong pamagat ay
“Pagsusulatan nang Dalawang Binibini na si Urbana at si Feliza”
ay binubuo ng palitan ng liham ng dalawang magkapatid.
URBANA AT FELIZA
Ang nakatatanda, si _____, ay nag-aaral sa isang kolehiyo ng mga babae sa Maynila, at ang mas bata, si _____, ay nagnanais na matuto mula sa kaniyang kapatid hinggil sa kung ano ang dapat ugaliin sa iba’t ibang pagkakataon.
Urbana; Feliza
saan naninirahan si urbana
maynila
saan naninirahan si feliza
Paombong, Bulacan
ay sagisag ng Urbanidad o kabutihang asal.
‘Urbana’
ay galing sa kastilang “feliz” (maligaya) at ang sinasagisag ay ang kaligayahang natatamo dahil sa pagpapakabuti at pagkamasunurin.
feliza
ay sagisag ng kalinisang-budhi at karangalan.
‘Honesto’
- Ang kamahalan at karangyaan ang dapat humanap ng ulong puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap ng koronang ipuputong. t or f
f; karangalan
- Ang karangalan, sa karaniwan, ay may kalangkap ng mabigat na katungkulan. t or f
t
- Ang magnasang magkamit ng kamahalan sa bayan, sa karaniwan ay magandang nasa. t or f
f hindi
ay mga bilin niya sa kanyang dalawang nakababatang kapatid tungkol sa karapat-dapat na asal nila kapag sila’y naanyaya sa isang piging sapagkat maaari makasira sa imahe ang maling gawain.
sulat na ito ni Urbana kay Feliza
Ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas.
NUESTRA SEÑORA DEL ROSARIO
may akda ng NUESTRA SEÑORA DEL ROSARIO at kailan
Padre Blancas de San Jose noong 1602
sino tumulong mailimbag neustra senora del rosario
ni Juan de Vera
Naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon.
NUESTRA SEÑORA DEL ROSARIO
Ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas
BARLAAN AT JOSAPHAT
Akda ito sa tagalog ni Padre Antonio de Borja.
BARLAAN AT JOSAPHAT
Isang panulukang bato sa larangan ng panitikan at wikang Filipino ang ____ na unang nalathala noong 1708.
Barláan at Jósaphát
Mayroon itong 553 na pahina at 40 kabanata.
BARLAAN AT JOSAPHAT
Noong 2003 muli itong nailathala kasáma ng modernisadong bersiyon ang orihinal na Tagalog na inedit ni _______ sa layuning maipaunawa ito sa kasalukuyang henerasyon.
Virgilio Almario
Hango ang aklat sa isang napakapopular na kuwento ng kabanalan noong edad Midyibal sa Europa. Maraming bersiyon ito, bagaman sinasabing pinakamatanda ang natagpuan sa Georgia.
BARLAAN AT JOSAPHAT
Tatlong Uri ng Dula sa Panahong ito:
- Dulang Panlansangan
- Dulang Pantahanan
- Dulang Pantanghalan
Pananapatan sa bisperas ng Undas o Araw ng mga Patay ang pangangaluluwa. Kadalasang grupo ng mga bata o kaya’y kabataan ang gumagawa nito.
Pangangaluluwa
Tumatapat sila sa mga bahay, gaya ng ginagawa sa harana at karoling, at sa pamamagitan ng pag-awit ay nagkukunwari silang mga kaluluwang naligaw mula sa purgatoryo.
Pangangaluluwa
Ang mga napupuntahang bahay ay inaasahang mag-aabuloy ng mga ____ o kayâ’y maliit na halagang mabibitbit ng mga “kaluluwa” pabalik sa mundo ng mga patay.
kakanin
Kakambal ng pangangaluluwa ang paniniwala sa pamahiing nabubuksan ang pintong naghihiwalay sa mundo ng mga buháy at mga patáy kapag sumasapit ang
Todos los Santos.
ay tradisyonal na dula sa bisperas ng Pasko hinggil sa paghahanap ng matutuluyan nina Birheng Maria at San Jose sa Herusalem at pagsilang kay Hesus sa isang sabsaban.
panunuluyan
isang tradisyon ng pagdiriwang sa ginawang paghahanap ng mag-asawa ng posada o taberna na matutuluyan.
posadas
panunuluyan: Tinatayang pinasimulan ito ni ____ noong siglo 16 nang imungkahi niya ang pagdaraos ng isang nobena sa Pasko na magpupugay sa paglalakbay nina Maria at Jose.
San Ignacio de Loyola
Ito ay ginaganap tuwing araw ng Pagkabuhay ni Hesukristo.
salubong
ay tumutukoy sa muling pagkikita ni Birhen Maria at ni Hesukristo.
Ang Salubong
May awitan ng mga anghel at pagpupuring tula at awitan na sinasambit. Hanggang sa kasalukuyan ang tradisyong ito pa rin ay buhay at ginagawa sa Pilipinas.
salubong
ay inaawit din ngunit ito’y nagsasalaysay sa buhay ni Birheng Maria.
dalit o alay
Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng kalinisan ng puri siya ay hinahandugan tuwing buwan ng
Mayo.
ang dalit ay tinatawag din na
Flores de Mayo.
ay isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo na nakaugalian na sa Bulacan, Nueva Ecija, Bataan, Rizal at Bicol.
tibag
Ito ay tungkol sa paghahanap ni Sta. Elena sa mahal na Sta. Cruz na kinamatayan ni Kristo.
tibag
Ang dulang Tibag ay sinulat ni
Fruto Cruz.
tibag Karaniwan itong ginagawa sa mga lugar na kung tawagin ay
Hermano.
mga dulang panlansangan:
pangangaluluwa
panunuluyan
salubong
dalit
tibag
dulang pantahanan:
pamamanhikan
duplo
karagatan
huego de prenda
Isang matandang kaugaliang Pilipino ang
“Pamanhikan
Ito ay ang mahusay na paghingi ng pahintulot ng magulang ng lalaki sa magulang ng babae sa isang pag-iisang dibdib.
pamamanhikan o dulog
ay sagradong bagay at ang mga paghahanda pa lamang para sa dakilang okasyong ito ay humahabi na ng magaganda at makukulay na mga pagtitipon at pagdiriwang.
kasal
Ang pamanhikan ay galing sa salitang ___ at kaugnay rin ng salitang ____ na may kahulugang makikiusap
panhik; mamamanhik
ay maaaring pera o bagay, lupain o ari-arian, na handog ng lalaki sa magulang ng babae. Kung minsan ito ay kusang-loob na handog ng magulang ng lalaki, kung minsan ito ay hinihiling ng magulang ng babae.
Ang “panhik” o “bigay-kaya”
Ito ay isang laro patungkol sa patay
duplo
ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo ng sinumang nahatulang parusahan.
palmatorya
Uri ng sinaunang panitikang larong patula na kadalasang ginagawa sa lamayan.
karagatan
Ang paksa ng ___ ay tungkol sa isang prisesa na nawala ang singsing sa karagatan.
karagatan.
kahulugan ng huwégo de prénda
“laro ng multa.”
Nilalaro ito tuwing búrol o lamayan. Walang takdang bilang ang maaaring sumali sa laro ngunit malimit na kabataan ang mga kalahok.
huwégo de prénda
Umuupô sa isang pabilog ang mga manlalaro, magkahiwalay ang mga babae at ang mga lalaki, at may lider o hari sa gitna. Bawat manlalaro ay binibigyan ng pangalan.
huwégo de prénda
Bawat manlalaro ay binibigyan ng pangalan. Pangalan ng ____ ang sa babae. Pangalan ng ____ ang sa lalaki.
punongkahoy o bulaklak; ibon o numero
Laro ito ng mga kabataan, lalo na ng mga dalaga at binata, dahil ginagamit na pagkakataón para sa pagliligawan.
Huego de Prenda
DULANG PANTANGHALAN:
karilyo
senakulo
moro-moro
Ito ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang ginagampanan ng mga aninong ginawa mula sa karton, na pinapanood na gumagalaw sa likod ng isang puting tabing at pinagagalaw naman ng mga taong di nakikita na siyang nagsasalita rin para sa mga kartong gumagalaw.
karilyo
ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus. Hango ang nasabing tradisyon sa Bibliya at iba pang tekstong apokripa. Kadalasang ginaganap ito sa lansangan o kaya’y sa bakuran ng simbahan.
senakulo
ay isang uri ng “komedya” sa Pilipinas na isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de capa y espada.
moro-moro
ang moro-moro ay isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na
comedia de capa y espada
ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas na katulad nang sa Pilipinas.
moro-moro
ay pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Pilipinong Muslim.
moro-moro