Unit 2 Flashcards
Bago pa man nagsidating ang mga banyaga sa ating bansa ay mayroon nang sariling kultura ang ating mga ninuno. Ang panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating ng mga _____ hanggang sa taong _____
Negrito o Aeta
1521
Ang kalakalan noong sinaunang panahon ay pinapatakbo ng sistemang _____ na kung saan direktang nakikipagpalitan ng produko ang mga tao sa kapwa nila mangangalakal na hindi gumagamit ng anumang midyum gaya ng salapi o barya.
barter
Relihiyon kung saan sinasamba ang kalikasan. Lahat ng nakikita ay may buhay.
Animismo
relihiyon kung saan naniniwala sa maraming diyos tulad ng anito at diwata na nagbibigay ng swerte
Paganismo
Relihiyon kung saan diyos and lahat ng bagay, bawat bagay o tao
panteismo
Ayon kay _____, ang paraan ng pagsulat ng mga katutubo ay pabertikal mula taas paibaba at ang pagkakasunod-sunod ng mga talata ay buhat sa kaliwa pakanan.
Padre Chirino
Saan sumusulat ng baybayin ang mga sinaunang Pilipino
kahoy at kawayan, sa malalaking dahon, sa lupa at mga bato
Ano ang gamit sa pagsusulat ng mga sinaunang Pilipino
balaraw o ano mang matutulis na bagay
tinta na ginagamit ng mga sinaunang Pilipino
dagta ng mga puno at halaman
Ang Baybayin ay binubuo ng ilang titik, patinig at katinig
labimpitong titik: 3 patinig at 14 na katinig.
nangangahulugan ng pagbabawas ng patinig.
sa baybayin
Ang simbolo ng krus (+) at ekis (x) sa ibaba
inimbento ng isang gurong inakalang mula sa Arabe ang ating sinaunang paraan ng pagsulat.
Alibata
Hango ito sa unang mga titik ng Arabe
alif+ba+ta = Alibata.
ay ngalan ng sinauna’t katutubong alpabeto ng Pilipinas.
Baybayin
mula sa ‘baybay’ o ispeling, at ang mga hugis diumano nito ay maaaring yaong likha ng galaw o kislot ng tubig sa baybay o ilog.
baybayin
Minsan ding tinawag na Alibata ni ______ ang sinaunang alpabeto dahil sa kaniyang saliksik na ito ay hango sa alpabetong Arabe na Alif-ba-ta. Tinanggal lamang niya ang f kaya naging alibata.
Paul Rodriguez Verzosa
Isa sa mga pinakamatatandang uri ng panitikang Pilipino na lumitaw bago dumating ang mga Kastila.
Awiting Bayan
Awiting nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, paniniwala, karanasan, gawain o hanap-buhay sa isang lugar.
Awiting Bayan
awit sa pagwawagi o tagumpay sa isang labanan.
Sambotani
awit sa pangliligaw at pagpapakasal
Diona
awit sa pamamangka
Talindaw
awit sa pakikidigma
Kumintang o Tagumpay
awit ng pag-ibig. Noong unang panahon nanliligaw ang mga kalalakihan sa pamamagitan ng harana, umaawit sila ng punong-puno ng pag-ibig at pangarap.
Balitaw at kundiman
awit sa paglilibing
Umbay
isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat.
Dalit o Imno
Karaniwang para sa Diyos, sapagkat nagpapakita, nagpaparating o nagpapadama ng pagdakila at pagsamba.
Dalit o Imno
awit na nagpapahayag ng kalungkutan at pagdurusa.
Dung-aw
awit sa pagpapatulog ng bata.
Oyayi o hele
awit ng manggagawa
Soliranin
mga awiting panlansangan
Indolanin at kutang-kutang
awit sa sama-samang paggawa
Maluway
mga awit sa pag-iinuman.
Hiliraw at pamatbat
Nagpapatalas ng isipan upang mag-isip at bigyang- kahulugan ang mga mahalagang kaisipang nakapaloob dito o ang mga salitang inilalarawan nito.
Karunungang Bayan
ay isang uri ng laro na may kaugnayan sa panghuhula sa isang bagay na inilalarawan.
Ang bugtong