Unit 1 Flashcards
ay nanggaling sa salitang “pang-titik-an” na kung saan ang unlaping “pang”ay ginamit at hulaping “an”.
Panitikan
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang
Pang-titik-an
Ang salitang “titik” naman ay nangangahulugang literatura,na galing sa Latin na
Littera
ay nangangahulugang literatura,na galing sa Latin na littera
Titik
ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao.
Panitikan o panulatan
may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang
Sulating panitikan
Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
Panitikan
Dalawang uri ng panitikan
Pasalin-dila
Pasalinsulat
ay ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao.
Pasalin-dila
ay isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga ninuno ng pangkasalukuyang panahon ng mga Pilipino ang kanilang panitikan.
Pasalinsulat
Naganap ito noong matutuhan nila ang sinaunang abakada o alpabeto, kabilang na ang mas naunang baybayin at mga katulad nito.
Pasalinsulat
Dalawang anyo ng panitikan
Tuluyan o prosa
Panitikang patula
ang isang panitikan kung ito‘y nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan.
Tuluyan o prosa
ay yaong nasusulat sa taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay maaaring may sukat at tugmaan o dili kaya ay malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat at tugma.
Panitikang patula
Mga akdang tuluyan o prosa
Enum 11
Nobela
Maikling kwento
Dula
Alamat
Pabula
Parabula
Anekdota
Sanaysay
Talambuhay
Balita
Talumpati
ay mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila - isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
Nobela
Luksang Tagumpay ni Teofilo Sauco.
Nobela
ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
maikling kwento o maikling katha
Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
maikling kwento o maikling katha
Ama ng maikling kwento
Deogracias A. Rosario
Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginaga
maikling kwento o maikling katha
Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Matute.
maikling kwento o maikling katha
ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Dula
ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
tagpo sa dula