Tungkulin ng WIKA Flashcards
Nagpapanatili ng relasyong sosyal. Nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng kuru-kuro sa partikular na isyu; pagkukwento; at paglikha ng liham pangkaibigan.
Interaksyunal
to ay tumutugon sa pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paglikha ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at liham pangkaibigan ay halimbawa nito.
Instrumental
to ay tumutukoy sa pagkontrol sa ugali/asal ng ibang tao. Ang pagbibigay ng direksyon tulad ng sa pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular na lugar; direksyon sa pagluluto; direksyon sa pagsagot ng pagsusulit; at direksyon sa paggawa ng anumang bagay ay halimbawa nito
Regulatori
ay sumasaklaw sa pagpapahayag ng sariling opinyon o kuru-kuro sa paksang pinag-uusapan, kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan journal, at pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
Personal
Ito ay nagpapahayag ng bungang isip/hiraya sa malikhaing paraan
Imahinasyon
Ito ay kabaligtaran ng heuristic, may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita, ilan sa halimbawa nito ay pagbibigay -ulat, paggawa ng pamanahong papel, tesis, panayam at pagtuturo.
Informatibo
Ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kasama dito ang pakikipanayam sa mga taong makasasagot sa mga tanong tungkol sa paksang pinag-aaralan; pakikinig sa radyo; panonood ng telebisyon; at pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog, at mga akalat na napagkukuhanan ng impormasyon
Heuristic