Teorya Ng Wika Flashcards
Ninais nilang higitan ang sino man at ninais na maging kapantay ang Diyos. Nagalit ang Diyos at sinira ang nasabing tore na sa kinalaunan ay tinawag na Tore ng Babel. Kaugnay ng pagsira Niya sa tore ay nagpasya Siyang guluhin ang wika ng mga tao Dito nag-ugat ang pagkakaroon ng magkakaibang mga wika,
Tore ng Babel (Teoryang Biblikal)
Nagmula ang wika sa panggagaya ng mga tao sa tunog ng hayop at kalikasan. Naniniwala ang mga dalubhasa na ginagaya ng ating mga ninuno ang tunog ng kalikasan sa kadahilanang kulang pa ang kanilang bokabolaryo upang maipahayag ang kanilang naoobserbahan
Bow-wow
Sinasabing ang wika raw ay nabuo sa pamamagitan ng panggagaya ng mga tao sa mga tunog ng bagay sa paligid. Ang bawat tunog na naririnig nila sa mga bagay ay binibigyan ng interpretasyon at nagkakaroon ng sarili nitong kahulugan.
Ang ilan sa halimbawa ng teoryang ding- dong ay: Tunog ng tren (tsug-tsug), Tunog ng kampana (kleng, kleng), Putok ng baril (BANG!), Orasan (tik tak tik tak)
Ding-dong
Ang wika ay nabuo dahil sa bugso ng damdamin na hindi sinasadyang maipahayag sa pamamagitan ng bibig. Ito ay maaring dahilan ng sobrang sakit, kasiyahan, kalungkutan, sarap, takot, pagkagulat at iba pa.
Isa sa halimbawa ng teoryang ________ ay kapag nasaktan- “Aray!, Awts!”
Pooh Pooh
Sinasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na nilikha Sa mga ritwal na nagbabagu-bago at binigyan ng ibang kahulugan katulat ng pagsayaw, pagtatanim, atbp.
Ta-ra-ra Boom-de-Ay
Salitang Pranses na nangangahulugang “paalam”. Pinaniniwalaang ang wika ay nagmula sa kumpas ng kamay ng tao, at sa kalaunan ay ginaya ng dila at bibig upang makagawa ng tunog. Halimbawa na lamang ay kapag nagpapaalam, ang ating kamay ay kumakampay pataas at pababa. Kaugnay nito, upang mabigkas ang salitang “tata”, itinataas at ibinababa rin natin ang ating dila
Tata
Pinaniniwalaang ang wika ay bunga ng pisikal na pwersa ng tao. Ayon sa nagmungkahi ng teoryang ito, kapag ang tao ay nag-eeksert ng pisikal na pwersa, nakabubuo siya ng tunog mula sa bibig. Halimbawa: Pag-ire ng babae kapag nanganganak; kapag tayo ay nagbubuhat ng mabigat; at kapag lumalaban sa karate (Haya!).
Yoo-He-Yo