Sanaysay: Module 7 to 11 Flashcards
Ano ang sanaysay sa wikang Ingles?
Essay
Ang sanaysay ay isang komposisyon na kadalasan
ay naglalaman ng ___ o ___ng may akda.
Pananaw o Kuro-Kuro
Sa pamamagitan ng sanaysay, naipapahayag ng may-akda ang ___ sa mambabasa.
Kanyang damdamin.
Isang uri ng ___ ang sanaysay.
Pakikipag-komunikasyon
Kung isang uri ng pakikipag-komunikasyon ang sanaysay, ano ang layunin nito?
Maipabatid ang iyong saloobin sa isang makabuluhan at napapanahong paksa o isyu.
Ang sanaysay ay ginagamitan din ng ___ upang ibahagi ang mga naiisip, nararamdaman, at pananaw na hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakaaapekto sa taong sumulat nito.
Tuwirang mga Pahayag
Ang sanaysay at ___ at nasa anyong ___ at may ___ ang taong sumulat nito.
Personal, Anyong Tuluyan, Paninindigan
Paano magiging pang-akademiko ang sanaysay?
Maaari ito maging kritikal na sanaysay.
Bakit intelektwal na pagsulat ang kritikal na sanaysay?
Layunin kasi nitong pataasin ang antas ng kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
Ano ang dalawang uri ng sanaysay?
Pormal at Di-Pormal
Ano ang ibang tawag sa pormal na sanaysay?
Maanyo
Ano ang ibang tawag sa di-pormal na sanaysay?
Palagayan
Sa pormal na sanaysay, nangangailangan ng ___, ___, at ___ ng mga kaisipan.
Maingat, Maayos, at Mabisang Paglalahad
Sa sanaysay na ito, ang pananalita ay pinipipiling mabuti.
Pormal na Sanaysay
Sa sanaysay na ito, ang paksa ay pinag-uukulan ng isang masusing pag-aaral.
Pormal na Sanaysay
Ang sanaysay na ito ay maitututirng seryoso.
Pormal na Sanaysay
Sa pormal na sanaysay, hindi lamang bumabatay ang awtor sa ___, ngunit dapat maingat na inilalahad at ipinaliliwanag niya ang kanyang tatalakayin sa mga sanggunian din.
Sa sarili niyang karanasan at nalalaman.
Ang sanaysay na ito ay tila nakikipag-usap, pansarili ang himig, at may kalayaan ang ayos sa pagpapahayag.
Di-pormal na Sanaysay
Ang di-pormal na sanaysay ay may karaniwang layunin na magpakilala ng ___.
Mahalagang Kaalaman
Sa di-pormal na sanaysay, maari bang paksain ang anuman lalo na ang kaugalian ng tao sa isang masaklaw na paglalahad?
Oo.
Dahil sa pamamaraang ___ at ___, ang sanaysay na di-pormal ay siyang ipinalalagay na kaakit-akit at kawili-wiling basahin.
Masaya at Masigla
Tama o Mali
Sa pamamagitan ng sanaysay ay naipahahayag nang mabuti ng manunulat ang kanyang mga kuro-kuro at damdamin.
Tama
Tama o Mali
Ang pagsulat ng sanaysay ay hindi maaring ituring na pakikipagkomunikasyon dahil malayo itong maging palitan ng pahayag.
Mali
Tama o Mali
Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing akademiko mula sa antas primarya hanggang sa doktoradong pag-aaral.
Tama