Panukalang Proyekto: Module 13-18 Flashcards
Sino ang nagbanggit nito?
Ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa komunidad o samahan.
Dr. Phil Bartle
Parte ng ano si Dr. Philip Bartle?
Si Dr. Philip Bartle ay mula sa The Communication Empowerment Collective na isang samahang tumutulong sa mga (NGO) sa paglikha ng mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo.
Isang kasulatan o mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito.
Panukalang Proyekto
Kailan ginagawa ang isang panukalang proyekto?
Kapag kailangan itong marebyu ng isang indibidwal o grupo para sa kanyang aprubal.
Bakit kailangan ng aprubal sa panukalang proyekto?
Ang aprubal ay kailangan para mabigyang hudyat ang opisyal sa pagsisimula ng proyekto.
Kanino karaniwang inihaharap ang mga panukalang proyekto?
Sa mga indibidwal, komite, organisasyon, o opisinang makapagbibigay-tulong sa implementasyon ng mga proyektong isasagawa at binabalak.
Dahil kritikal ang preparasyon nito, makabubuting malinaw sa isipan ng nagsasagawa kung ano ang?
Kung ano ang maituturing na panukalang proyekto at kung ano naman ang hindi,
at paano ito inihahanda para maging malinaw at mahusay ang pagbuo nito.
Kumpletuhin ang sinabi ni Nebiu, 2002.
Ang panukalang proyekto ay ___deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong ___ang isang tiyak na problema.
detalyadong, maresolba
Ano nga ulit sinabi ni Nebiu, 2002?
Ang panukalang proyekto ay detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema.
Ayon kay Nebiu, dapat makikita sa panukalang proyekto ang?
- Dahilan at Pangangailangan sa Proyekto
- Panahon sa Paggawa
- Kakailanganing Resorses
Maituturing ba na proyekto ang mga dating aktibidad na nauulit sa eksaktong pamamaraan at peryodikong isinasagawa?
Hindi
Maituturing ba na proyekto ang mga aktibidad na walang depinido at malinaw na layunin?
Hindi
Maituturing ba na proyekto ang mga aktibidad na maaaring maulit o mailipat kahit saan at sa ano pa mang oras?
Hindi
Tama o Mali?
Ang mga regular na aktibidad ng organisasyon ay maituturing na proyekto dahil ito ay may pagpaplano pa rin.
Mali. Regular na kasi ito.
Tama o Mali?
Kailangang sumulat ng panukala ng proyekto bago ito maisagawa.
Tama.
Tama o Mali
Kung sakaling kailangan nang isagawa ang proyekto maaari na itong isagawa
ng mabilisan.
Mali. Kailangan ito ay pinagpaplano at dadaan muna sa aprubal.
Tama o Mali
Sa ingles, ang panukalang proyekto ay “Project for Approval”
Mali. Project Proposal. (kapag dito namali ka pa…)
Tama o Mali
Layunin ng isang panukalang proyekto na magresolba ng isang tiyak na problema o suliranin.
Tama. Alangan naman na gusto pa gumawa ng gulo.
Ang panukala ay isang _____________ na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa komunidad o samahan.
Proposal
Ito ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa komunidad o samahan.
Panukalang Proyekto
Kadalasan nasa anong anyo ang panukalang proyekto?
Kadalasan ito ay nakasulat, minsan nasa oral na presentasyon, o kaya ay kombinasyon ng mga ito.
Ano ang internal na gamit ng panukalang proyekto?
Yaong inihahain sa loob ng kinabibilangang organisasyon.
Ano ang external na gamit ng panukalang proyekto?
Para sa organisasyong di-kinabibilangan ng proponent.
Ano ang solicited na panukalang proyekto?
May pabatid ang isang organisasyon sa
kanilang pangangailangan ng isang proposal.