Katitikan ng Pulong: Module 1-6 Flashcards
Ito’y isang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon na karaniwang sinusulat ng kalihim.
Katitikan ng Pulong
Ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na?
Katitikan ng Pulong
Mga talang napag-usapan sa isang pulong na dapat nairerekord.
Katitikan ng Pulong
Sa mahahalagang tinatalakay, ang katitikan ng pulong ay nagsisilbing ano?
Paglalagom
Sino ang nagsabi nito?
Kinakailangang magtaglay ng paksa, petsa, oras, pook, at maging ng tala ng mga dumalo at di dumalo ang katitikan ng pulong.
Mangahis, Villanueva 2015
Nagsisilbi daw itong summary o buod ng mahalagang napag-usapan.
Katitikan ng Pulong
Saan nairerekord dapat ang tala ng napag-usapan sa katitikan ng pulong?
Log book
Sino dapat ang nagsusulat ng katitikan ng pulong?
Kalihim
May limang bahagi ang katitikan ng pulong, ano ito?
Petsa
Oras
Pook
Kalahok
Paksa
Ito’y bahagi ng katitikan na nagtatakda kung kailan magaganap ang pagpupulong.
Petsa
Ito’y bahagi ng katitikan ng pulong na naglalaman ng oras ng pagsisimula at pagtatapos ng isang pagpupulong.
Oras
Ito’y bahagi ng katitikan ng pulong na naglalaman ng lugar kung saan magaganap ang pulong.
Pook
Ito’y bahagi ng katitikan ng pulong na naglalaman ng mga taong dumalo at di-dumalo sa pagpupulong.
Kalahok
Ito’y bahagi ng katitikan ng pulong kung saan nakatala rito ang mga paksang napag-usapan at mga aksyon na naibigay ng mga dumalo sa pagpupulong.
Paksa
Sa pagsulat ng katitikan, kailangan ring pairalin ang ___, ___, at ___ sa paggawa.
Talas ng pandinig, bilis ng pagsulat, at linaw ng pag-iisip
TAMA O MALI?
Dapat maging tiyak sa pagpupulong.
TAMA
TAMA O MALI?
Dapat gawing komplikado ang pagkakasulat ng napagpulungan.
MALI
TAMA O MALI?
Dapat ilatag ang mga usapin o agenda sa pagsulat ng napagpulungan.
TAMA
TAMA O MALI?
Dapat hindi itala ang mga mahahalagang mosyon sa pagsulat ng napagpulungan.
MALI
TAMA O MALI?
Dapat maging maligoy sa pagsulat ng napagpulungan.
MALI
TAMA O MALI?
Itala lamang ang mga tagapagdaloy at panauhin sa pulong.
MALI
(Dapat lahat ng kasapi, dumalo o hindi man).
TAMA O MALI?
Lagumin ang lahat ng mahalagang detalye sa pagsulat ng napagpulungan.
TAMA
Sa pagsulat ng katitikan, magkaiba ba ang petsa sa oras ng pagsisimula at pagtatapos?
Oo, hiwalay ito na bahagi.
Oras - Simula at Pagtatapos
Petsa - Kailan naganap ang pagpupulong
Ano ang inihahanda ng kalihim sa isang pulong?
Katitikan