sanaysay Flashcards
Isang maikling akdang pampanitikan ukol sa isang partikular na tema o paksa.
Ito’y paraan ng paglalahad ng mga kuro-kuro sa isang maayos at epektibong pamamaraan.
sanaysay
ang sanaysay ay hugot sa dalawang salita ito ay ang?
sanay at salaysay
sino ang Ama ng Panitikang Klasiko sa Tuluyan
Padre modesto castro
Ang layunin nito ay manlibang o magbahagi ng sariling karanasan.
Ang mga tinatalakay na paksa ay naglalahad ng pampersonal na pananaw sa mga bagay.
Malaya o Di - Pormal
Tinatalakay nito ang isang paksang nangangailangan ng masusing pananaliksik, dahil dito ginagamitan ito ng pormal na mga salita
Maanyo o Pormal
Ito ang pinakamahalaga na bahagi dahil dito ang inaasahan kung ipagpatuloy ng mambabasa sa kanyang binabasang sulatin.
Dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa.
Simula/Panimula
Dito sa bahaging ito mababasa ang mga mahahalagang puntos o ideya ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda.
Dito rin malalaman ang buong puntos dahil ipinapaliwanag ng maayos at mabuti ang paksang pinag-uusapan o binibigyang pansin
Gitna / Katawan
Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya.
Dito naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung tinatalakay niya
Wakas
Ginagamit sa pagpapaliwanag ng pamamaraan o proseso ng paggawa ng isang bagay at ng pagsasakatuparan ng isang layunin o simulain.
Sinasaklaw ng paglalahad ang malawak na bahagi ng sinusulat at binabasa ng tao.
Paglalahad ( Exposition
Pinakagamitin o pinakamadalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa.
Layunin nito’y magkwento ng isang pangyayari o kawil ng pangyayari
Pagsasalaysay ( Narration )
Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala.
Layunin nito na hikayatan ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwalan sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag.
Pangangatwiran ( Agrumentation