mga kasanayan sa komunikasyon Flashcards
saan nagmula ang salitang “komunikasyon”?
salitang latin na “communis”
ano ang ibig sabihin ng salitang “communis”?
karaniwan
ito ay isang pormal o intelektuwalisadong kapamaraanang sumasa-ilalim sa estruktura ng wika. Tuntunin nito na maipahayag ang mensahe o kaalamang nais iparating sa anyong pasulat o pasalita.
Komunikasyong Berbal
Ito ay pagpapalitan ng mensahe o pakikipagtalastasan ng mga daluyan o channel ay hindi lahat lamang ng sinasalitang tunog kundi kasama ang kilos ng katawan at ang tinig na iniaangkop sa mensahe.
Komunikasyong Di - Berbal
Ang pag-aaral kung paano ginagamit ang oras sa komunikasyon.
Ito ay maaaring gamitin bilang isang kasangkapan sa komunikasyon sa maraming paraan, mula sa kaagahan sa inaasahan sa paligid ng paghihintay at oras ng pagtugon, sa pangkalahatang mga prinsipyo sa pamamahala ng oras.
Chronemics
pag-aaral ng komunikatibo gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antroplologo.
Maaaring ang mga kalahok sa komunikasyon ay nasa publikong lugar tulad ng isang talumpati sa harap ng kanyang mga estudyante o maaari ring isang karaniwang pag-uusap sa pagitan ng dalawang magkaibigan.
Proxemics
Ito ay aksyon ng mata tulad ng pagtitig, panlilisik at pakindat na nagdadala ng kahulugan sa sinumang katapat o kausap
Oculesics
Nagpapahiwatig gamit ang amoy.
Olfactics
Ginagamit ang paghaplos, paghawak, pagkurot o pagsalat sa paghahatid ng mensahe.
Ginagamit ang pandamdam
Haptics
May pakahulugan ang iba’t ibang kulay.
Chromatics
Paggamit ng mga larawan o simbolo.
Ito ay kinabibilangan ng mga bagay, simbolo at larawan na may kahulugan sa sinumang tumitingin at umuunawa.
Iconics
Kung ang tao’y may personal na paraan ng pakikipag-ugnayan sa sarili.
Siya ang tagapaghatid at tagatanggap ng mensahe. ( pagdarasal, pagdedesisyon o pagtitimbang ng mga konsepto sa isip )
Intrapersonal na Komunikasyon o Pansarili
Kinasasangkutan ng dalawang tao.
May isang tagapaghatid at isang tagatanggap ng pakikipagtalastasang mensahe.
Interpersonal na Komunikasyon
Nagkakaroon ng pakikipagtalastasan sa pagitan ng tatlo o higit pang bilang ng mga taong may interaksyon sa isa’t isa. ( Hal. Pagpupulong at mga gawaing pangkatan tulad ng brainstorming at round table discussion ).
Komunikasyon sa Pangkat
Ito ang ugnayang isa sa maraming tao. Ang isa ay naghahatid at ang tumatanggap ay pangkat ng taong nakikinig.
Pampublikong Komunikasyon.