Sanaysay Flashcards
isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan.
sanaysay
TATLONG MAHAHALAGANG BAHAGI NG SANAYSAY
Sa bahaging ito, madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.
Panimula
TATLONG MAHAHALAGANG BAHAGI NG SANAYSAY
Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan o suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan.
Gitna o katawan
TATLONG MAHAHALAGANG BAHAGI NG SANAYSAY
Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan, at katwirang inisa- isa sa katawan ng akda.
Wakas
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY
Madalas na may iisang tema ang sanaysay. Ang tema ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa. Bawat bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng temang ito.
Tema
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY
isang mahalagang sangkap sapagkat nakakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang maayos na pagkasunod- sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pag- unawa sa sanaysay.
Anyo at Estruktura
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY
Mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.
KAISIPAN
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY
Ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkakagamit nito ay nakakaapekto rin sa pag- unawa ng mambabasa, higit ng mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
Wika at Estilo
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY
Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may- akda.
Larawan ng buhay
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY
Nagpapahayag ang isang magaling na may – akda ng kaniyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.
Damdamin
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY
Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot, mapanudyo at iba pa.
Himig