Nobela Flashcards
Ito ay binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing- kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao, na bukod sa nagbibigay aliw, ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.
Nobela
Ito ay tinatawang ding akdang – buhay o kathambuhay.
Nobela
Ang mga Nobelang nalimbag sa Pilipinas na inakdaan ng mga may akdang Pilipino tungkol sa Pilipinas para sa mga Pilipino. Maaaring ito ay nasusulat sa Wikang Pilipino o Wikang Fiipino o mga iba pang wika sa Pilipinas at Wikang dayuhan gaya ng Ingles at Kastila.
KAHALAGAHAN NG NOBELA
1.Naglalahad o naglalarawan ng mga pangyayaring nagaganap sa panitikan.
2.Umiikot ayon sa karanasan ng tao sa kanyang sarili at sa kanyang buhay at kapaligiran.
KATANGIAN NG NOBELA
1.Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan.
- Pumupuna sa lahat ng mga larangan sa buhay.
3.Pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito ay nagiging kawili- wili.
4.Dapat maging malikhain at maguni- guni ang paglalahad.
- Kailangang isaalang- alang ang ukol sa kaasalan.
6.Maraming ligaw na tagpo at kaganapan.
- Ang balangkas ng pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari.
- Malinis at maayos ang pagkakasulat.
- Maganda
- Maraming magandang tagpuan kung saan nakikilala lalo ang mga tauhan.
LAYUNIN NG NOBELA
1.Gumising sa diwa at damdamin.
2.Nananawagan sa talino ng guni- guni.
3.Mapukaw ang damdamin ng mambabasa.
4.Magbigay ng aral tungo sa pag- unlad ng buhay at lipunan.
5.Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan.
6.Nagbibigay inspirasyon sa mambabasa.
7.Nabubuksan nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela.
PAGKAKAIBA NG NOBELA SA MAIKLING KWENTO
- Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad, samantalang sa maikling kwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kwento ngunit nagkakaiba lamang ito sa nilalaman dahil ang mga pangyaayring isinasalaysay dito ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat bansang pinanggagaglingan nito.
ELEMENTO NG NOBELA
lugar at panahon ng mga pinangyarihan
tagpuan
ELEMENTO NG NOBELA
nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
tauhan
ELEMENTO NG NOBELA
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
banghay
ELEMENTO NG NOBELA
panauhang ginagamit ng may-akda
a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
pananaw
ELEMENTO NG NOBELA
paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
tema
ELEMENTO NG NOBELA
nagbibigay kulay sa mga pangyayari
damdamin
ELEMENTO NG NOBELA
istilo ng manunulat
pamamaraan
ELEMENTO NG NOBELA
diyalogong ginagamit sa nobela
pananalita
ELEMENTO NG NOBELA
nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan
simbolismo