Elemento ng Maikling Kuwento Flashcards
Ito ay isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pang- araw- araw na may isa o ilang tauhan may isang pangyayari at may isang kakintalan.
MAIKLING KWENTO
Ito ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang – isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.
Sang- ayon kay Edgar Allan Poe, Ama ng Maikling Kwento.
Ama ng Maikling Kwento
Edgar Allan Poe
Isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pang- araw- araw na may isa o dalawang tauhan may isang pangyayari, at may isang kakintalan.
Sang- ayon naming kay Genoveva Edroza Matute
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ang nagbibigay buhay sa maikling kwento, maaaring maging Mabuti o masama
Makikilala sila sa kanilang panlabas na kaanyuan—– pisikal at pananamit, kilos ng magpapahiwatig ng kanilang ugali at diyalogo
TAUHAN
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ang panahon at lugar kung saan nangyayari ang maikling kwento.
Maaaring ito ba sa panahon ng tag- ulan, tag- init, umaga, tanghali at gabi, sa lungsod o sa lalawigan, sa bundok o ilog.
TAGPUAN
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa paglala ng mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan.
SAGLIT NA KASIGLAHAN
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
Pakikipagtunggalian ng mga tauhan sa mga suliranin kanyang kahaharapin.
TUNGGALIAN
IBA’T IBANG URI NG TUNGGALIAN
Ito ay panloob na tunggalian dahil nangyayari ito sa loob ng tauhan.
Tao laban sa Sarili
IBA’T IBANG URI NG TUNGGALIAN
Ito ang pangunahing uri ng panlabas na tunggalian.
Tao laban sa Tao
IBA’T IBANG URI NG TUNGGALIAN
Karaniwang nangyayari ito kung ang tauhan ay direktang naaapektuhan ng mga puwersa ng kalikasan.
Tao laban sa Kalikasan
IBA’T IBANG URI NG TUNGGALIAN
Umiiral ito kung lumalabag ang mga tauhan sa mga pamantayang itinakda ng lipunan.
Tao laban sa lipunan
IBA’T IBANG URI NG TUNGGALIAN
Nangyayari ang tunggaliang ito kapag ang tadhana ang nagdidikta sa mga nangyayari sa tauhan.
Tao laban sa Tadhana
IBA PANG TUNGGALIAN
- Tao laban sa Diyos o mga sobrenatural na nilalang
- Tao laban sa makina o Teknolohiya
Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kwento kaya ito ang pinakamaaksiyon.
KASUKDULAN