riserts 3 Flashcards
Tumutukoy sa pag-iimbestiga para makita
kung nakakaimpluwensya ba ang isang
phenomenon sa isa pa, at kung
nakakaimpluwensya nga ay sa anong paraan
o paano?
Paglalahad/Pagpapakita ng Ugnayan
/ Relasyon o Korelasyon
Tumutukoy sa paglalarawan sa posibleng
mangyari sa isang bagay, phenomenon, at iba
pa batay sa matibay na korelasyon ng mga
penomenong sinuri / pinaghambing
Paglalahad / Pagbibigay ng Prediksyon
Tumutukoy sa paglalahad ng mga paraan
upang ang isa o higit bagay (gaya ng
teknolohiya) ay maisasailalim sa control ng
mga tao/mananaliksik tungo sa mas
epektibo at/o mas ligtas na paggamit nito.
Pagtatakda ng kontrol
10 disenyo ng pananaliksik (Walliman, 2011)
- historikal
- deskriptibo
- korelasyon
- komparatibo
- eksperimental
- simulasyon
- ebalwasyon
- aksyon
- etnolohikal
- kultura
- isinasagawa sa pamamagitan ng
pagtatala ng mga makabuluhang
pagmamasid ng mananaliksik sa
mga pinapaksa ng pananaliksik, sa
natural na kapaligiran o setting ng
kanyang buhay at/o trabaho - isa o dalawang araw lamang ang
pagsasagawa sa gawaing pag-
mamasid
Pag-oobserba
- karaniwang ginagamit sa larangan ng antropolohiya at sosyolohiya
- Isinasagawa sa pamamagitan ng pagsisikhay o pagsisikap ng mananaliksik na makapasok at maging tanggap sa isang komunidad upang makapagtamasa ng mas komprehensibong pag-unawa sa lipunan o paraan ng pamumuhay
Participant Observation
pagyakap sa pag-uugali at paraan ng pamumuhay ng pinag-aaralang komunidad, at ang pagkakaroon ng bukas na pag-iisip na nakahandang unawain ang komunidad na sinasaliksik
Nakikiugaling Pagmamasid
isinasagawa sa pagrerekord ng mga imahe at tunog gamit ang video recorder
karaniwang ginagamit sa pagtatala ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan
maaaring lapatan ng pagsasalaysay o narration at ng musika pinakakaniwang porma nito ang bidyong dokumentaryo o dokyu
Video Documentation
tumutukoy sa isang saliksik o ulat mula sa isang ahensya ng gobyerno, opisyal ng gobyerno, think tank, akademikong departamento, o eksperto na naglalahad ng makabuluhang
impormasyon at/o mga panukala kaugnay ng isang napapanahong isyu na nakakaapekto sa maraming mamamayan o sa isang partikular na komunidad
WHITE PAPER O PANUKALA
tumutukoy ito sa mga negatibong aspekto ng isang kurikulum/programa tungo sa layuning baguhin/ linangin pa ito
KRITIKAL NA PAGSUSURING PANGKURIKULUM/PAMPROGRAMA
Pagtukoy sa sanhi at bunga ng isang pangyayari,
phenomenon, programa/proyekto, patakaran at iba pa
Pagtukoy sa Sanhi at Bunga
8 proseso sa pananaliksik (Walliman)
- Pagkakategorya o kategorisasyon
- Paglalarawan o deskripsyon
- Pagpapaliwanag
- Pagtataya o Ebalwasyon
- Paghahambing o Pagkukumpara
- Pagpapakita ng Ugnayan
- Pagbibigay ng Prediksyon
- Pagtatakda ng kontrol