riserts 2 Flashcards
Proseso ng pagtukoy at paglalarawan sa lahat ng mga yamang pangkultura na nasa isang tiyak na lugar o rehiyong heograpiko, sa paraang pasulat o biswal na imbentaryo
Cultural mapping
Nakapokus ang ganitong pananaliksik sa pagtalakay sa mga obserbasyon natutuhan, parktikal na aral, at iba pa na nakuha o nakalap ng mananaliksik habang nagsasalin ng isang akda
Translation Process Studies
Pananaliksik na nakatuon sa pag-eeksperimento o proseso ng paghahambing sa resulta ng pagmanipula sa isang variable na kasangkot ang dalawang grupo o mga subject ng pananaliksik
Eksperimental na Pananaliksik
Tumutukoy sa pagkalap at pagsusuri ng impormasyon hinggil sa paksa ng pananaliksik mula sa mga umiiral na sanggunian at pananaliksik
Rebyu ng Kaugnay na Literatura
Ito ay nakatuon sa pagtukoy sa pinagmulan/ kasaysayan/ mga makabuluhang pangyayari kaugnay ng isang penomenon, programa, proyekto, patakaran atbp.
Pananaliksik sa Arkibo o Archival Research
Isa itong porma ng pananaliksik na historikal na nakatuon sa pagsusuri ng mga dokumento gaya ng mga lumang manuskrito, dyaryo, atbp.
Historikal na Pananaliksik
Tumutukoy sa paghihimay-himay sa nilalaman, konteksto at kabuluhan ng tekstong sinusuri
Documentary o Text Analysis
Pamamaraan ng pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga tema o padron ng naratibo sa loob ng isang teksto
Pagsusuring tematiko
Tumutukoy sa paglalarawan o pagsusuri sa nilalaman ng isang teksto
Pagsusuri ng Nilalaman o Content Analysis
Tumutukoy ito sa pagsusuri at pag-uugnay sa mga umiiral na datos at estadiistika, tungo sa layunining sagutin ang mga panibagong tanong at makabuo ng mga bagong konklusyon na angkop sa kasalukuyang sitwasyon
Secondary Data Analysis
Tumutukoy ito sa deskriptibo o palarawang paghahambingpagkukumpara sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang tao, grupo, sitwasyon, bagay, penomenon, atbp
Komparatibong pananaliksik
Ito ay detalyadong paglalarawan sa sitwasyon ng isang tao, bagay, lugar, pangyayari, phenomenon at iba pa bilang potensyal na lunsaran ng mga susunod pang pag-aaral sa mga kahawig na kaso
Case Study
Tumutukoy ito sa pagbubuo ng tipolohiya o set ng mga pangalan o pagpapangkat-pangkat ng mga bagay, pangyayari, konsepto, at iba pa.
Pagkakategorya o Kategorisasyon
Tumutukoy ito sa pagsusuri ng mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay at iba pa, tungo sa mas malinaw na pag-unawa sa isang penomenon.
Paghahambing o Pagkukumpara.
Tumutukoy sa prosesong higit pa sa simpleng paglalahad lamang ng datos o impormasyon, upang bigyang-linaw ang kabuluhan ng nito sa konteksto ng iba’t ibang aspektong kultural, politikal, ekonomiko, at iba pa.
Pagpapaliwanag.