riserts 1 Flashcards
- Tumutukoy sa sistematikong sa mga suliranin/ tanong/ layunin ng pananaliksik o mga paraan na ginagamit sa pagtitipon at pagsusuri ng mga datos/ impormasyon
- ayon kay Walliman (2011, isa sa
pinakilalang manunulat hinggil sa praktika ng pananaliksik.
Metodolohiya
tumutukoy sa pagtitipon ng datos na nakabatay
sa mga obserbasyon
Paglalarawan o Deskripsyon
Proseso na tumutukoy sa pagsusuri sa kalidad ng mga bagay, pangyayari, at iba pa.
Pagtataya o Ebalwasyon
Nakasanding sa malapitan, personal na karanasan, at posibleng partisipasyon, hindi lamang obserbasyon ng mga mananaliksik na karaniwang nagsasagawa ng pag-aaral sa mga pangkat na multidisiplinari
Etnograpiya
Isinasagawa nang mas matagal kumpara sa pag-oobserba, ang mananaliksik ay aktwal na “nakikiranas” sa pang-araw-araw na buhay ng mga taong kaniyang pinapaksa.
Pakikipamuhay
Maikling pagsasalaysay ng talambuhay o bahagi ng talambuhay ng isang tao o ng pangkat ng mga tao na paksa ng pananaliksik.
Kuwentong buhay o Life Story
Katulad din ng pag-iinterbyu, lamang ay dalawa o higit pa ang kinakapanayam
focus group discussion
Tumutukoy ito sa deskriptibo o palarawang paglalahad ng katangian ng isang tao, grupo, sitwasyon, bagay, penomenon, at iba pa na sinusuri pinag-aaralan.
Palarawan or Deskriptibo
Uri ng interbyu na ibinibigay na ang mga tanong bago pa ang interbyu at halos wala ng follow-up na tanong sa oras na pagsasagawa nito
Structured na interbyu/ Estrukturadong Interbyu
Pagsusuri sa paraan ng pagpapahayag at mensaheng nangingibabaw sa teksto, awit, video, pelikula, at iba pang materyales
Pagsusuri ng diskurso
Pananaliksik na nakatuon sa paglutas ng ispesipikong suliranin sa loob ng silid-aralan o kaya’y kaugnay ng proseso ng pagkatuto sa isang partikular na sitwasyon.
Action Research
Tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagbubuo at balidasyon ng mga modyul at iba pang materyales na materyales na panturo na kaiba sa karaniwang umiiral o kaya’y nakaangkla sa panibagong pamamaraan o dulog sa pagtuturo
Pagbubuo at balidasyon ng materyales na panturo
Isinasagawa sa pamamagitan ng talatanungan questionnaire sa mga taong makapagbibigay ng saloobin, opinion o impormasyon hinggil sa paksa ng pananaliksik
Pagsasagawa ng sarbey
Ito ay tungkol sa pinagmulan ng mga salita, orihinal na konteksto at iba pang kaugnay na detalya na mahalaga sa pag-unawa sa kasalukuyang gamit at konteksto nito
Pagsusuring Etimolohikal
Tumutukoy sa pagsusuri sa kalakasan at kahinaan ng isang programa/plano, at mga oportunidad o bagay na makatutulong sa implementasyon at mg abanta o bagay na maaaring makahadlang sa implementasyon ng programa/plano
SWOT Analysis