Quiz 7 Flashcards
Si __________ ang tunay na ama ni Maria Clara
Padre Damaso
Sino ang bangkero at magsasakang tumulong
kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan
at ang mga suliranin nito?
Elias
Si __________ ang babaing nagpapanggap na
mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang
kolorete sa mukha at maling pangangastila.
Donya Victorina
Sino ang Paring pumalit kay Padre Damaso at
nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria
Clara?
Padre Salvi
Sino ang Paring Dominikano na lihim na
sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra?
Padre Sibyla
Siya ang tanging babaing makabayan na
pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala
ng kanyang ama.
Kapitana Maria
Sino ang isang matapat na tenyente ng mga
guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng
tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang
ama?
Tenyente Guevarra
Sino ang lolo ni Crisostomo Ibarra na naging
dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias?
Don Saturnino
Ang masimbahing ina ni Maria Clara na
namatay matapos na kaagad na siya’y
maisilang.
Donya Pia Alba
Sino sa mga sumusunod ang HINDI kaibigan
ni Maria Clara?
A. Sinang
B. Inday
C. Andeng
D. Pia
Pia
Sino ang hipag ni Kapitan Tiago na tumulong
sa pagpapalaki kay Maria Clara?
Isabel
Si __________ ang tenyente mayor na mahilig
magbasa na Latin.
Don Filipo
Si _________ ang malayong pamangkin ni Don
Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre
Damaso na napili niya para mapangasawa ni
Maria Clara.
Linares
Ang napangasawa ni Donya Victorina na isang
pilay at bungal na Kastilang napadpad sa
Pilipinas sa paghahanap ng magandang
kapalaran.
Don Tiburcio
Si __________ napangasawa ng alperes na dating
labandera na may malaswang bibig at paguugali.
Donya Consolacion