Kabanata 5: Ang Pagpapatapon, Paglilitis, at Pagkamatay ni Rizal Flashcards
Kailan isinakay sa barko si Rizal upang ipatapon sa Dapitan?
Hulyo 14, 1892
Ano ang pangalan ng barkong sinakyan ni Rizal papuntang Dapitan?
Cebu
Kaninong pangangasiwa napasailalim si Rizal sa Dapitan?
Kapitan Ricardo Carcinero
Kanino sumulat ang Padre Superyor ng Samahan ng mga Jesuita sa Pilipinas ukol sa paninirahan ni Rizal sa tahanan ng mga paring Jesuita?
Padre Antonio Obach
Sino ang Padre Superyor ng Samahan ng mga Jesuita sa Pilipinas?
Padre Pablo Pastells
Kaninong tahanan tumira si Rizal sa dapitan?
Kapitan Carcinero
Sino ang naging kaibigan ni Rizal na pumalit kay Carcinero?
Kapitan Juan Sitges
Saan bumili ng lupa si Rizal upang taniman ng mga halaman?
Talisay
Kailan dinalaw si Rizal ng kanyang ina at kapatid na si Maria?
Agosto 1893
Kanino sumosyo si Rizal sa pangangalakal ng abaca, kopra, at isda?
Ramon Carreon
Ano ang tulang isinulat ni Rizal sa kahilingan ng kanyang ina?
Ang Aking Kinaligpitan (Mi Retiro)
Kailan namatay si Leonor Rivera?
Agosto 28, 1893
Sino ang inhenyerong Americano na umampon kay Josephine Bracken?
Ginoong Taufer
Bakit ayaw ikasal ni Padre Obach si Rizal at Bracken?
Dahil wala pang pahintulot ng Obispo ng Cebu
Gaano katagal nabuhay ang anak nina Rizal at Bracken?
tatlong oras
Kanino nabatid ni Rizal ang kahambal-hambal na kalagayang pangkalusugan sa Cuba?
Sa kaibigang si Dr. Blumentritt
Kailan nakipagkita si Rizal kay Gobernador Heneral Blanco upang ialay ang kanyang paglilingkod bilang manggagamot na panghukbo sa Cuba?
Disyembre 17, 1895
Kailan naman dumating ang liham ng pagsagot ni Blanco kay Rizal?
Hulyo 1, 1896