Kabanata 1: Batas Rizal Flashcards
Anong batas ang nagbibigay tuntunin at mga mandato ukol sa paglalakip nito sa kurikulum ng lahat ng mga Pampubliko at Pribadong paaralan, tungkol sa buhay, mga gawa at katha ni Jose Rizal?
Batas Republika Blg. 1425
Ang Batas Republika Blg. 1425 ay kilala rin bilang ____________
Rizal Law
Kailan ipinroklama ang Rizal Law?
Hunyo 12, 1956
Sino ang pangulo noong ipinroklama ang Rizal Law?
Pang. Ramon Magsaysay
Sino ang pinakapangunahing tagataguyod ng Rizal Bill?
Sen. Claro M. Recto
Anong bahagi ng batas ang tumutukoy sa pag-uutos sa mga mag-aaral na magbasa ng mga nobela ni Rizal?
Una
Anong seksyon ang naglalakip na gawing batas sa kalakhang publiko ang mga akda ni Rizal?
Huling dalawang seksyon
Sino ang sumulat ng batas na nagpapaliwanag na si Jose Rizal ang nagtatag ng nasyonalismo sa banda at siyang mayroong pinakamalaking ambag sa kasalukuyang kalagayan ng bayan?
Jose P. Laurel
Anong batas ang mahigpit na nagbabawal sa sabong, karera ng kabayo, at ng jai-alai tuwing ika-tatlumpu ng Disyembre taon-taon?
Batas Republika Blg. 229
Kailan ipinatupad ang Batas Republika Blg. 229?
Hunyo 9, 1948
Aling seksyon ang nagpapakilala sa tungkulin ng alkalde ng bawat munisipalidad na gumawa ng komite na siyang mamamahala sa maayos na pagdiriwang ng araw ni Rizal taon-taon?
Pangalawang seksyon
Aling seksyon ang naglalahad ng mga posibleng multa/parusa sa mga paglabag sa batas?
Ikatlong seksyon
Ano ang mga posibleng parusa sa sinomang lalabag sa Batas Republika Blg. 229?
Multa na hindi hihigit sa dalawandaan libong piso o pagkakulong na hindi hihigit sa anim na buwan o pareho
Aling seksyon ang nagpakilala sa bisa ng batas?
Huling seksyon
Sino ang pangulo na namumuno noong ipinatupad ang Batas Republika Blg. 229
Pang. Manuel A. Roxas