PFPL EXAMS Flashcards
“Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan,pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento.”
Xing at Jin (1989, sa Bernales,
et al., 2006
“Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.”
Badayos (2000)
“Ang pagsulat ay isang biyaya,isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.”
Keller (1985, sa Bernales, et al., 2006)
“Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.”
Peck at Buckingham (sa Bernales, et al., 2006)
anumang tumutukoy sa pag-iisip. Nauugnay rin ito
sa mga empirikal o paktwal na kaalaman
KOGNITIBO
salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao.
SOSYO
pananaw sa pagsulat, isang paraan ng pagtingin sa
proseso ng pagsulat.
SOSYO-KOGNITIB
Nakapaloob sa ______________ ang pag-iisip at pagsasaayos ng isang
tekstong pasulat
Mental na aktibiti
Nakapaloob naman sa ____________ang pagsasaalang-alang
sa mga mambabasa at sa kanilang magiging reaksiyon o tugon sa
teksto.
sosyal na aktibiti
Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong _____________at
_____________________
intrapersonal, interpersonal
Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan. Ito ay isang
gawaing ___________at ______________.
personal at sosyal
Bilang ______________, ang pagsulat ay tumutulong sa pag-
unawa ng sariling kaisipan, damdamin at karanasan.
personal na gawain
Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa
ng isang tekstong isinulat, masasabing nakikinig na rin siya sa
iyo. Ang pagsulat ay isang pakikipag- usap sa mga mambabasa.
ORAL DIMENSYON
Kilala rin sa tawag na expository writing. Ito ay naghahangad na
makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. Ang pokus nito
ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto.
IMPORMATIBONG PAGSULAT
Ang dimensyong ito ay mahigpit na
nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa
kanyang teksto na inilalatad ng mga nakalimbag na simbolo. Sa
dimensyong ito, kailangang maisaalang-alang ang mga kaugnay
na tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbolong nakalimbag na
siyang pinakamidyum ng pagsulat, ay maging epektibo at
makamit ang layunin ng manunulat.
BISWAL NA DIMENSYON
Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay naglalayong
makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran,
opinyon o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay ang
mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor nito.
MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT
Linear ang proseso ng pagsulat, tama o mali?
Mali
ANG PROSESO NG PAGSULAT
Bago Magsulat, Aktwal na Pagsulat, Muling Pagsulat, Pinal na Awtput
6 NA URI NG PAGSULAT
Akademiko, Teknikal, Journalistic, Reperensyal, Propesyonal, Malikhain
● Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin
nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan.
● Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report,
eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong
papel, thesis o disertasyon.
AKADEMIKO
● Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source
hinggil sa isang paksa.
● Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang
manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa
paraang parentetikal, talababa o endnotes.
● Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, tesis o
disertasyon.
● Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyograpi, indeks at note
cards.
REPERENSYAL
● Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga
kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at
manunulat.
● Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa
pagbibigay- solusyon sa isang komplikadong suliranin.
● Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility study at ng mga
korespondensyang pampangangalakal.
● Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular
na paksa tulad ng science at technology.
● Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga
mambabasa.
TEKNIKAL
● Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang
ginagawa ng mga mamamahayag o journalist.
● Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at
iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magasin.
JOURNALISTIC
Ito ay nakatuon sa isang tiyak na propesyon.
Saklaw nito ang mga sumusunod:
1.police report – pulis
2.investigative report – imbestigador
3.legal forms, briefs at pleadings – abogado
4.patient’s journal – doktor at nurse
PROPESYONAL
Madalas iniuugnay ang akademikong pagsulat sa salitang akademya.
Ang akademya ay tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na
maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at
karunungan.
AKADEMIKONG PAGSULAT
*Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura.
*Ang pokus ay ang imahinasyon ng manunulat.
*Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at
pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
*Maihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling
katha, dula at sanaysay.
MALIKHAIN
Ayon kay ___________________, sa aklat na Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik, ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na
particular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga
ideyang pinangangatwiranan .
Carmelita Alejo et al. (2005)
Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng
disiplinang makatotohanan.
KATOTOHANAN
3 KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
Katotohanan, Ebidensya, Balanse (KEB)
Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga
mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang
kanilang inilalahad.
EBIDENSYA
Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga
haka, opinyon at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang
pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga
nagsasalungatang pananaw.
BALANSE
Linear ang akademikong pagsulat. Tama o mali?
Tama
7 KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
Kompleks, Pormal, Tumpak, Obhetibo, Eksplisit, Wasto, Responsable