[PBPS] Ang Tekstong Prosidyural Flashcards
Ang Tekstong Prosidyural ay…
- espesyal na uri ng [ ? ] na
naglalahad ng [ ? ] sa
[ ? ] upang matamo ang
inaasahan. - kadalasang [ ? ] kung paanong isagawa ang
isang tiyak na bagay.
- espesyal na uri ng tekstong expository na
naglalahad ng serye o mga hakbang sa
pagbuo ng isang gawain upang matamo ang
inaasahan. - kadalasang nagbibigay ng impormasyon at
instruksiyon kung paanong isagawa ang
isang tiyak na bagay.
- Nagagamit ang pag-unawa sa mga tekstong
prosidyural sa halos lahat ng larang ng
pagkatuto.
Halimbawa: recipe ng pagluluto sa Home
Economics, paggawa ng eksperimento sa
agham at medisina, pagbuo ng aparato at
pagkumpuni ng mga kagamitan sa
teknolohiya, o pagsunod sa mga patakaran sa
buong paaralan.
Mga Layunin ng Tekstong Prosidyural
-
[ ? ] sa mga tao
upang matagumpay na maisagawa ang mga
gawain sa ligtas, episyente, at angkop na
paraan. - Sa mga unang taon ng pagkatuto,
[ ? ] upang makatulong sa
[ ? ] nila sa
mga batayang aralin. - Sa paglaon, ipinakikilala na sa mga magaaral ang [ ? ] sa layuning maisakatuparan nila ang
mas mataas na antas ng mga gawain.
-
Makapagbigay ng sunod-sunod na
direksiyon at impormasyon sa mga tao
upang matagumpay na maisagawa ang mga
gawain sa ligtas, episyente, at angkop na
paraan. - Sa mga unang taon ng pagkatuto,
ipinapaunawa ang mga karaniwang teksto
sa mga mag-aaral upang makatulong sa
pagbasa, pagsulat, at pag-unawa nila sa
mga batayang aralin. - Sa paglaon, ipinakikilala na sa mga magaaral ang mas komplikadong uri ng mga
teksto sa layuning maisakatuparan nila ang
mas mataas na antas ng mga gawain.
Mga Layunin ng Tekstong Prosidyural
- Mahalaga ang mahusay na pag-unawa sa mga tekstong prosidyural sa [ ? ] kung saan karaniwan na ang iba’t ibang [ ? ] upang [ ? ] sa kompanyang pinagtatrabahuhan, kung
paano pagaganahin ang isang kasangkapan, at pagpapanatili ng
maayos na pagsasagawa ng operasyon sa pamamagitan ng mga [ ? ]. - Ang [ ? ] ay isang uri ng tekstong prosidyural na [ ? ] na maaaring hindi nakaayos nang magkakasunod.
- Mahalaga ang mahusay na pag-unawa sa mga tekstong prosidyural sa pagtatrabaho kung saan karaniwan na ang iba’t ibang manwal upang panatilihin ang kaligtasan sa kompanyang pinagtatrabahuhan, kung
paano pagaganahin ang isang kasangkapan, at pagpapanatili ng
maayos na pagsasagawa ng operasyon sa pamamagitan ng mga protokol. - Ang protokol ay isang uri ng tekstong prosidyural na nagbibigay ng gabay at mga paalala na maaaring hindi nakaayos nang magkakasunod.
Mga Dapat Tandaan
Sa pagsulat ng Tekstong Prosidyural…
- Kailangang malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin.
- Malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin upang hindi malito o magkamali ang gagawa nito.
- Gumamit ng mga payak ngunit angkop na salitang
madaling maunawaan ng sinumang gagawa. - Maglakip ng larawan o ilustrasyon kasama ng mga paliwanag upang higit
na maging malinaw ang pagsasagawa sa mga hakbang - Pakaisipin ang layunin ng tekstong prosidyural na maipaliwanag nang mabuti ang isang gawain upang maisagawa ito nang maayos at tumpak.
- Isulat ito sa paraang simple, malinaw, at mauunawaan ng lahat.
Mga Nilalaman
Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.
Maaaring ilarawan ang mga tiyak na katangian ng
isang bagay o kaya ay katangian ng isang uri ng trabaho/ugaling inaasahan sa isang empleyado o magaaral kung susundin ang mga gabay.
Layunin/Target na awtput
Mga Nilalaman
Nakapaloob dito ang mga
kasangkapan at kagamitang
kakailanganin upang makompleto ang isasagawang proyekto. Nakalista ito sa
pamamagitan ng pagkakasunod-sunod
kung kailan ito gagamitin.
Maaaring
hindi makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na hindi
gagamit ng anumang kasangkapan.
Kagamitan
Mga Nilalaman
Serye ito ng mga hakbang na
isasagawa upang mabuo ang proyekto.
Metodo
Mga Nilalaman
Naglalaman ito ng mga
pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa.
Maaaring sa pamamagitan ito ng mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan, o makina o hindi kaya
ay mga pagtatasa kung nakamit ang kaayusan na layunin ng prosidyur.
Bukod sa mga nabanggit na
pangkalahatang nilalaman ng isang tekstong prosidyural, mahalaga ang
paggamit ng mga heading, subheading, numero, dayagram, at mga larawan
upang mas maging malinaw ang pagpapahayag ng mga instruksiyon.
Ebalwasyon
Gamit ng Wika
- Mahalagang maging [ ? ] sa mga tekstong prosidyural at kung paanong gagamitin ito sa kabuuang estruktura upang makamit ang
mga layunin. - Mahalagang alamin at unawain kung [ ? ] upang mapagdesisyonan kung anong uri at antas ng wika ang gagamitin.
- Mahalagang maging tiyak ang gamit ng wika sa mga tekstong prosidyural at kung paanong gagamitin ito sa kabuuang estruktura upang makamit ang
mga layunin. - Mahalagang alamin at unawain kung sino ang makikinig/magbabasa ng teksto upang mapagdesisyonan kung anong uri at antas ng wika ang gagamitin.
Mga Dapat Tandaan
Gamit ng Wika sa Tekstong Prosidyural
- Nasusulat sa kasalukuyang panahunan
- Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
- Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng mga panghalip.
- Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon.
- Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive devices upang ipakita
and pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto. - Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon (hugis, laki, kulay, at dami)