[PBPS] Ang Tekstong Argumentatibo Flashcards
Ano ang Tekstong Argumentatibo?
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na
nangangailangang [ ? ] ng
manunulat ang [ ? ] sa isang [ ? ] o usapin [ ? ] mula sa [ ? ], [ ? ], [ ? ], at [ ? ]
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na
nangangailangang ipagtanggol ng
manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.
Ano ang Tekstong Argumentatibo?
Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong
argumentatibo ng [ ? ] kabilang na ang [ ? ].
Mula rito ay paninindigan ang isang posisyon na isusulat sa maikli ngunit
malaman na paraan. Sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas nauunawaan ang iba’t ibang pananaw o punto de bista at nakapipili ang mananaliksik ng [ ? ].
Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong
argumentatibo ng masusing imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensya.
Mula rito ay paninindigan ang isang posisyon na isusulat sa maikli ngunit
malaman na paraan. Sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas nauunawaan ang iba’t ibang pananaw o punto de bista at nakapipili ang mananaliksik ng posisyong may matibay na ebidensya.
Elemento ng Pangangatwiran
Pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.
Ito ang isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng dalawang panig.
Magiging mahirap ang pangangatwiran kung
hindi muna ito itatakda sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang
dalawang panig.
Proposisyon
Elemento ng Pangangatwiran
Ito ay ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran
ang isang panig.
Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa
proposisyon upang makapagbigay ng
mahusay na argumento.
Argumento
Ano ang Tekstong Argumentatibo?
Ito ang huling suntok ng teksto.
Ito ang lagom ng mga inilahad na ebidensya at argumento.
Kongklusyon
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo
- Mahalaga at napapanahong paksa
- Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng
teksto - Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
- Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensya
ng argumento - Matibay na ebidensya para sa argumento
Ilan pang mga Mungkahi sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo
- Pagpasiyahan ang panig sa tatalakaying isyu o paksa.
- Tukuyin ang layunin sa pagsusulat.
- Ilahad nang malinaw ang premis/proposisyon ng teksto.
- Mag-ingat sa paggamit ng mga maling pangangatwiran (fallacy).
- Maaaring gamitin ang iba pang pamamaraan ng pagpapahayag tulad ng pagsasalaysay,
paglalarawan, at paglalahad upang higit na maging mabisa ang pagpapaliwanag o
pangangatwiran. - Isaalang-alang ang kawastuhan ng mga ibabahaging datos sa paglalahad ng argumento o
ebidensiya.
Mga Halimbawa ng Tekstong Argumentatibo
- Debate
- Talumpati
- Tesis
- Posisyong Papel
- Editoryal
- Petisyon
- Papel Pampananaliksik