[FSPL] Ang Flyers at Leaflets Flashcards
Kahulugan at Uri
Ano ba ang flyer?
Ayon sa Aart Design (2013), ang flyer ay matatawag din nating handbill o leaflet. Karaniwang nakalathala sa isang kapirasong papel na may karaniwang sukat na 8 ½” x 11”.
Kahulugan at Uri
Ito ay ginagamit sa paglulunsad ng isang produkto or serbisyo.
Ipinakikilala rin ng bahagya ang kumpanyang naglunsad nito.
Maaari din itong tawaging professional flyer.
Business Flyer
Kahulugan at Uri
Ito ay kadalasang ginagamit sa pag-aanunsyo ng mga kaganapan o mga okasyon gaya ng pista, mga pagtitipon, party, at iba pa. Karaniwan din itong makulay at nakalathala sa
magagandang papel.
Club Flyer
Mga lugar na pwedeng ikalat ang flyer:
Ito ay mga paaralan, pamilihan, at mga establisyimentong may mataas na dami ng taong nagdaraan.
Sa matataong lugar
Mga lugar na pwedeng ikalat ang flyer:
May kamahalan ito ngunit malaki ang maaabot na demograpiko.
Hindi naman kailangang naka-imprenta. Ang iba naman ay naka-stapler lang sa pahina ng pahayagan o ginagawang newspaper insert.
Sa mga pahayagan
Mga lugar na pwedeng ikalat ang flyer:
Mayroong mga kainan na may mga community boards kung saan ay maaari kang magpaskil ng mga flyers gaya ng Starbucks.
Ngunit karamihan ay mahigpit na ipinagbabawal ang pamamahagi ng flyers ng personal sa kostumer o patron. Humingi muna ng pahintulot sa may-ari o tagapangasiwa ng kainan o restawran.
Sa mga kainan na maaari kang mag-iwan ng flyers
Mga kumbensyonal na pamamaraaan sa pamamahagi at paggamit ng flyers:
Inilalagay sa mga pahayagan o dyaryo, at kung minsan naman ay sa mga magasin.
Inserts
Mga kumbensyonal na pamamaraaan sa pamamahagi at paggamit ng flyers:
Karaniwang inilalagay ng mga kumpanya sa sobre ng mga bayarin gaya ng credit card, kuryente, at tubig.
Mailers
Mga kumbensyonal na pamamaraaan sa pamamahagi at paggamit ng flyers:
Karaniwang ginagamit ng mga ahente ng produkto/real estate.
May nakasulat na: “You are invited to a free tripping on…”
Imbitasyon
Mga kumbensyonal na pamamaraaan sa pamamahagi at paggamit ng flyers:
Madalas na ginagamit ito ng mga fastfood restaurants.
Nagsisilbi na din itong menu.
Price Sheets
Mga kumbensyonal na pamamaraaan sa pamamahagi at paggamit ng flyers:
Ang ang pao na binibigay ng mga fastfood restaurants ay isang uri ng flyer at coupon.
Epektibo ito sa paglulunsad ng mga diskwento at promosyonal na pagkain.
Gift Certificates at Coupons