Panitikang Panlipunan (SosLit) Flashcards
Ang panitikan ay nagmula sa salitang __ na kung saan ang unlaping “pang” at hulaping “an” ay __. At ang salitang “titik naman ay nangangahulugang _
“pang-titikan”
ginagamit
literatura (literature), salitang Latin na litera na nangangahulugang titik.
Kalipunan ng magagandang karanasan at pangarap o adhikain ng isang lahi. Nasasalamin ang iba’t ibang damdamin tulad ng?
Nasasalamin ang iba’t ibang damdamin
ng tao tulad ng kalungkutan,
kaligayahan, galit, pag-ibig
paghihiganti at iba pa.
Ano ang lipunan o sosyedad?
Ang lipunan ay tinatawag na malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang nabubuong pag-uugali, ideya, at mga saloobin, namumuhay sa isang tiyak na teritoryo, at itinuturing ang mga sarili bilang isang pamayanan o yunit.
Ano naman ang koneksyon ng literature sa lipunan o sosyedad?
Mababatid ng mga tao ang kanilang sariling tatak, anyo ng kanyang pagkalahi, kalinangan at mga minanang yaman ng isip.
Makikita nila sa kanilang sarili ang kalawakan, kalakasan at kahinaan ng kanilang ng kanilang pag-uugali at paniniwala.
Masasalamin ang nakaraan ng kanilang mga ninuno; kung paano sila nabuhay, nagkamali at nagtagumpay; at dahil dito maiiwasan nila ang pagkakamali at higit pang mapauunlad at mapayayabong ang mga minanang kabutihan.
Makikita ang mga kapintasan at kagalingan ng sariling panitikan at sa gayo’y magkaroon ng pagsasanay sa paglinang ng kakayahan at kasanayan sa pagbabago at upang higit na mapadalisay at mapaningning ang mga kagalingang ito at maiwasan ang mga kamalian.
Matutuhang ipagmalaki ang mga bagay na kanila at maging matibay at matatag ang pagkilala sa kanilang pagkalahi.
Mapupukaw ang marubdob na pagmamalasakit at pagpapahalaga sa sariling wika.
Uri ng panitikan
Piksyon o kathang isip ginagamit ng mga manunulat ang
kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang.
Di - Piksyon paglalahad, pagsasalaysay o kinatawan
ng isang paksa na inihaharap ng isang mayakda bilang katotohanan. Batay ito sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa kanyang mga kaalaman hinggil sa paksa.
Anyo ng panitikan
Anyong tuluyan
Patalata o nasa karaniwang takbo ng pangungusap.
Anyong patula
Pataludtod, may sukat at tugma o maaring may malayang taludturan
Anyong tuluyan
Nobela, maikling kwento, talambuhay, alamat, parabula, pabula, sanaysay, talumpati
Mga uri ng anyong Patula
Tulang liriko-pandamdamin, tulang pasalaysay, tulang pandulaan-itinatanghal, tulang patnigan-sagutan
– tinatawag ding kathambuhay, ito ay isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng mga kabanata. Isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkakasunod at magkakaugnay.
Nobela
– isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasangkutan ng isa o ilang tauhan. Kadalasan maaaring tapusin sa iisang upuan lamang.
Maikling kwento
nagkukwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay. Mga kwento ng mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa taong bayan kaya’t walang nagmamay-ari o masasabing may akda nito. Kathang isip lamang, karaniwang may elemento ng pantasya.
Alamat
– akdang tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Layon nitong makapaghatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.
Anekdota
– mga hayop o mga bagay na walang buhay ang gumaganap na mga tauhan. May natatanging kaisipang mahahango mula rito sapagkat nagbibigay ng moral na aral para sa mga batang mambabasa.
Pabula
– maikling kwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
Parabula
– isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may akda. Isang anyong nagpapaisip, nagpapalawak at nagpapalalim sa pang-unawa, bumubuo at nagpapatibay sa isip at damdamin ng bayan.
Sanaysay