Panitikan sa panahon ng Kastila Flashcards
Ang isinaalang-alang na unang pananakop ng mga Kastila sa
ating kapuluan ay ang pananatili rito ni (kauna-unahang Kastilang
gobernador-heneral.)
Miguel Lopez de Legazpi 1565
Ang pagkakaturo ng ___ na kinasasaligan ng
mga gawang makarelihiyon.
Doctrina Cristiana
Ang___
na ipinagmamalaki kauna-
unahang abakadang Filipino na
nahalinhan ng alpabetong
Romano.
Baybayin
Mga uri ng panitikan
Pasyon, komedya/moro-moro, dalit, karagatn, duplo, sarsuwela, awit, parabula, tibag
isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong
Hesuskristo.
Senakulo
galing sa salitang Mehikanong
“
corrido
”
na ang ibig sabihin ay
“kasalukuyang pangyayari” (current event).
Ito ay tulang pasalaysay na may sukat na walong (8) pantig at
pumapaksa sa katapangan, kabayanihan at kababalaghan.
Kurido
pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis
tao sa likod ng isang kumot na puti na may ilaw.
Karilyo
binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng
yumaong asawa, magulang at anak.
Dung-aw
itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon
ng pananakop ng mga Kastila. Ang paksa ng dulang ito ay
nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo.
Saynete
ang nilalaman ay nagpapakilala ng iba’t ibang pamumuhay at
pag-uugali ng mga tao at ng mga kaisipan at damdamin ng
bayan.
Kantahing-Bayan
Mga kantahing bayan
- Leron-leron Sinta - Tagalog
- Pamulinawen - Iloko
- Dadansoy - Bisaya
- Sarong Banggin - Bikol
- Atin Cu Pung Singsing - Kapampangan
Akdang Pampaniyikan
Doctrina Cristiana
Nuestra Senora del Rosario
Barlaan at Josaphat
Pasyon
Urbana at Felisa
Ito ang kauna-unahang aklat na nalimbag
sa Pilipinas noon 1593, sa pamamagitan ng
silograpiko. Aklat ito nina padre Juan de
Placencia at padre Domingo Nieva.
Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila.
Naglalaman ito ng mga dasal, sampung
utos, pitong sakramento, pitong kasalanang
mortal, pangungumpisal at katesismo. May
87 pahina lamang.
Doctrina Cristiana
Ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas.
Akda ito ni Padre Blancas de San Jose
noong 1602 at nalimbag sa Imprenta ng
Pamantasan ng Sto. Tomas sa tulong ni
Juan de Vera, isang mestisong Intsik.
Naglalaman ito ng mga talambuhay ng
mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon.
Nuestra senora del rosario
ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas.
Akda ito sa Tagalog ni Padre Antonio de
Borja. Orihinal na nasa wikang Griyego.
Ipinalalagay itong kauna-unahang
nobelang nalimbag sa Pilipinas.
Barlaan at Josaphat
aklat na nauukol sa buhay at
pagpapakasakit ni Kristo. Binabasa ito
tuwing Mahal na Araw. Nagkaroon ng apat
na bersyon sa Tagalog ang akdang ito, at
ang bawat bersyon ay ayon na rin sa
pangalan ng mga nagsisulat. Ang mga ito
ay ang Version de Pilapil ( Padre Mariano
Pilapil); Version de Belen (Gaspar Aquino
de Belen); Version dela Merced ( Aniceto
dela Merced); at Version de Guia (Luis de
Guia). Isinaalang-alang na pinakapopular
ang Version de Pilapil.
Pasyon
aklat na sinulat ni Padre
Modesto de Castro, ang
tinaguriang
“Ama ng
Klasikong Tuluyan sa
Tagalog
”.
Ang nobelang ito ay
tinaguriang
“Filipino Code of
Ethics
Urbana at felisa
Naglalaman ito ng
pagsusulatan ng magkapatid
na sina Urbana at Felisa.
Pawang nauukol sa
kabutihang-asal ang nilalaman
ng aklat na ito, kaya
’t malaki
ang nagawang impluwensya
nito sa kaugaliang panlipunan
ng mga Pilipino.
Urbana at felisa