Panitikan Flashcards
Ang salitang tagalog na “panitikan” ay nanggaling sa salitang ugat na “TITIK”, na dinagdagan ng panlaping “pang – at – an”. Samakatuwid ito ay pinaikling salita na PANG+TITIK+AN.
ayon ka Dr. Jose Villa Panganiban
Nagpapahayag ng kaisipan. Ito’y isinusulat ng patalata. Mayroong Kalayaan ang mga manunulat sa kung ano ang nais nilang isulat.
TULUYAN O PROSA
Masining na nagpapahayag ng damdamin. Dapat may isinasaalang-alang na sukat, bilang ng bigkas at mga taludtod, at may malikhaing paraan ng paghahatid ng mga mensahe sa mambabasa.
PATULA
MGA AKDANG TULUYAN O PROSA
Maikling kwento
Nobela
Dula
Pabula
Anekdota
Alamat
Balita
Talambuhay (Biography)
Sanaysay
Parabula
Talumpati
- Isang maikling akda na naglalaman ng kakaunting tauhan kompara sa nobela. Ito ay may iisa lamang na banghay. Ang pagbasa nito ay kayang tapusin sa isang upuan lamang.
Maikling kwento
- Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang pagbabasa nito ay inaabot ng ilang basahan para matapos ang buong istorya. Ito ay naglalaman ng madaming tauhan at maaring maganap ang mga pangyayari sa iba’t-ibang tagpuan. Ang nobela ay maaring maging piksyon o di-piksyon.
Nobela
- Ito ay akdang itinatanghal sa tanghalan. Ito ay nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto naman ay nahahati sa ilang tagpo. Tinatawag na mandudula ang mga dalubhasa na sumusulat ng iskrip ng isang dula.
Dula
Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan hayop ang gumaganap bilang tauhan. Ito ay nagbibigay ng magandang aral lalo na sa mga bata.
Pabula
- Ito ay isang maikling akda na naglalaman ng nakawiwiling pangyayari sa buhay ng tao. Ang layunin nito ay magbigay ng aral sa mga mambabasa batay sa karanasan ng tauhan sa kwento.
Anekdota
- Ito ay kwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook. At mayroong pinagbabatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mito at kuwentong-bayan.
Alamat
- ito ay tala ng mga kaganapan na nagaganap sa lipunan at kapaligiran.
Balita
- ito ay isang sulatin na tumatalakay sa buhay ng isang tao.
Talambuhay (Biography)
- Ito ay isang maikling sulatin na nagpapahayag ng opinyon ng manunulat tungkol sa isang paksa.
Sanaysay
- Ito ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig
Talumpati
- Ito ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay.
Parabula
- nagpapahayag ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tao. Ito ay maaring makatotohanan o kathang-isip lamang.
Tulang pasalaysay
MGA AKDANG PATULA
Tulang Pasalaysay
- Epiko at Balad
Tulang Liriko
- Awiting bayan
- Soneto
- Elehiya
- Oda/ode
- Dalit
- Awit
- Kurido
Tulang Pandulaan
- Komedya
- Melodrama
- Trahedya
- Parsa o Saynete
ay istorya tungkol sa kabayanihan. Ito ay nagpapakita ng ugnayan ng tao at mga diyos.
Epiko
- Sa lahat ng tulang pasalaysay, ito ang pinakasimple at pinakamaikli. Ito ay tulang pasalaysay na karaniwang inaawit.
Balad
– ito ay uri ng tula na ginawa upang awitin. Sa kabila nito, itinuturing na ding tulang liriko ang isang tula kapag ito ay nagpapahayag ng nararamdaman at nagpapakita ng emosyon ng isang makata.
Tulang liriko
- Ang tema nito ay karaniwang umiikot sa pagmamahal,desperasyon, kalungkutan, kasiyahan at pag-asa.
Awiting bayan
– ito ay tula na binubuo ng labing-apat na taludtod.
Soneto
- tulang inaaalay sa isang yumaong mahal sa buhay.
Elehiya
- Tulang nagpaparangal sa dakilang gawain ng isang tao.
Oda (Ode)
- Isang kanta na nagpapakita ng pagpupuri sa Panginoon.
Dalit
– ang awit ay may labingdalawang pantig at mabagal ang paraan ng pagbigkas o ang himig ay tinatawag na dante.
Awit
– may walong pantig at mabilis ang paraan ng pagbigkas o ang himig ay tinawag na allegro
Kurido
- Ito ay uri ng tula na ginawa upang itanghal.
Tulang Pandulaan
- Isang dula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig.
Komedya
- Ito ay isang dulang labis na nakakaapekto sa emosyon ng manonood. Ito ay isang pamamaraan upang mas maging kaakit-akit ang mga karakter. Karaniwan din nitong inilalarawan ang mabuti at masamang aspeto ng mga karakter
Melodrama
- Ang trahedya ay isa sa pinakamatandang uri ng dula. Ang tema ng isang trahedya ay karaniwang tungkol sa pagkasira ng isang dinastiya, pagbagsak ng tao, pagtataksil, at pagkamatay
Trahedya
- Ang parsa ay isang kategorya ng komedya na gumagamit ng mga nakakatawang sitwasyon na ang layon lamang ay makapag- patawa ng madla.
Parsa o Saynete
panitikang Pilipino, pahulaan ng isang sagot sa pamamagitan ng paghahambing ng bagay o ideya. Nakatago ang kahulugan ng pinahulaang ngunit ito ay masasagot sa pamamagitan ng mga bagay na nakalahad mismo
Bugtong
ay butil ng karunungang, karaniwang hango sa karanasan ng matatanda, nagbibigay ng mabuting payo tungkol sa kagandahang asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian at karaniwang patalinghaga na may kahulugang nakatago.
Salawikain
Ang salawikain o proverb
ay mga salitang eupemistiko, patayutay, o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag. Karaniwang binubuo ito ng mga salita o parirala na nagbibigay ng malalim na kahulugan.
Sawikain
Ang sawikain o idyoma
ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos, ugali at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan
Kasabihan o Kawikaan
Ang kasabihan o saying