Panitikan Flashcards
ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao; nagsasabog ng pag-ibig at kaligayahan na nagpapayaman sa kaisipan at karanasan, nagpapalalim ng pagkaunawa, lumilinang ng kamalayang pansarili, panlipunan at pambansa, at nagpapahalaga sa mga karanasang nagiging timbulan sa oras ng pangangailangan
Panitikan
URI NG PANITIKAN
PATULA
TULUYAN
PATANGHAL
Isinusulat nang pasaknong, binibigkas nang may indayog, matalinhaga, may sukat at tugma. Maaari rin itong malaya na wala ang sukat o ano mang tugmaan
Patula
Kung ang panitikan ay itinatanghal sa entablado. Pa-iskrip ang pagkakasulat nito at binubuo ng mga tagpo at yugto. Dati itong nasasaklaw ng anyong patula noon sapagkat ang mga dula noon ay itinatanghal nang patula
Patanghal
Isinusulat nang patalata, karaniwan ang mga salita at tuloy-tuloy ang pagpapahayag
Tuluyan
- Isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan na makikita sa silong ng alinmang
langit.
TULA
- Isang tulang nagsasaad ng kabayanihan at kakaibang kapangyarihan ng pangunahing tauhan
EPIKO
- Isang uri ng tulang lalabindalawahing pantig at binibigkas nang mabagal. Ang mga kaganapan ay nagmula sa danas ng isang indibidwal.
AWIT
- Isang uri ng tula na wawaluhing pantig at binibigkas nang mabilis. Pantasya at kababalaghan ang karaniwang nilalaman nito
KORIDO
- Ito’y may himig awit sa dahilang ito’y inaawit habang may nagsasayaw
BALAD
- Isang debateng sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at lalake
BALITAO
- Binubuo ng labing-apat na taludtod at naghahatid ng aral sa mga mambabasa.
SONETO
- Isang uri ng tulang liriko na karaniwang inaawit na may kaalinsabay na gawain. Oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo. May iba’t ibang uri ang mga ito batay sa okasyong paggagamitan
KANTAHING BAYAN O AWITING BAYAN
uri ng awiting bayan
Talindaw
Diona
Oyayi
Dalit
Elehiya
Oda
Kumintang
Kalusan
Sambotani
Kundiman
- awitin sa pamamangka
Talindaw
awitin sa mga kasal at panliligaw
Diona
awit pampatulog sa mga musmos na anak
Oyayi
- awit ng pagpupuri at pagpaparangal sa Diyos o Maykapal.
Dalit
- tumatalakay sa damdamin, panaghoy o panangis para sa alaala ng yumao.
Elehiya
- tumutukoy sa papuri o masiglang damdamin. Ito’y walang bilang ng pantig at saknong.
Oda
awit ng pakikidigma at pakikibaka
Kumintang
-awitin matapos ang maghapong pagtratrabaho sa bukid, o dili kaya’y awit sa pasasalamat sa masaganang ani.
Kalusan
-awit ng tagumpay
Sambotani
-awit tungkol sa pag-ibig
Kundiman
Pagpapalitan ng katwiran sa anyong patula.
BALAGTASAN
- Mga sinaunang tula na maikli lamang.
KARUNUNGANG BAYAN
- Mga butil ng karunungan na hango sa karanasan ng mga matatanda, nagbibigay ng mabuting payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala ng mga kaugalian at karaniwang patalinghaga.
Salawikain
- Gumagamit ng pamumuna ng kilos o gawi ng isang tao. Hindi ito gaanong matalinghaga tulad ng salawikain.
Kasabihan