Mga Isyung Panlipunan-Kahirapan Flashcards
Isang kalagayan kung saan hindi nakakamtan ng nakakaranas nito ang mga pangunahing
pangangailangan sa pang araw-araw.
KAHIRAPAN
Sumusukat sa kahirapan kaugnay ng dami ng pera o halagang kakailanganin para matugunan ang mga batayang pangangailangan tulad ng pagkain, pabahay atpananamit. Ito ang mga pangunahing bagay na kailangan ng tao upang mabuhay
ABSOLUT NA KAHIRAPAN (ABSOLUTE POVERTY)
Ang pagnanakaw o pagbubulsa ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno.
KORAPSYON
Ang pananakop ng ilang bansa noong mga nakaraang panahon tulad ng Espanya, Hapon, US na nagpahirap sa Pilipinas
IMPERYALISMO
Masasabing ang mga tulong pinansiyal ng mga malalakas na bansa sa Pilipinas ay Isang suhol upang mapaikot at madiktahan ang pamahalaan
ANG PATULOY NA PAKIKIALAM O PAGDIKTA NG US SA PILIPINAS
Mga perang suhol upang mapalakas ang kanilang mga pansariling layunin na nagbabaon sa kahirapan ng Pilipinas.
MGA PERA NA HINDI NAMAN NAPUPUNTA SA MGA TAMANG PROYEKTO KUNDI NAHUHULOG DIN SA BULSA NG KORAPSYON
Ang siyang dumudurog sa unyon na siyang pumapatay sa karapatan ng mga manggagawa upang magkaroon ng tamang pasahod, benepisyo at hustisya. Maituturing na isang pang aalipin o “modern slavery” ang pasahod sa mga manggagawa, kumpara sa kinikita ng mga higanteng korporasyong dayuhan.
ANG PAGSASANIB PWERSA NG PAMAHALAAN AT KAPITALISTA
Ang pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes.
MALING GAWAIN NG MGA PINUNO NG ATING BANSA
Kung magigin responsable lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat kalat na bata ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi ng limos at kaawa-awa na mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin.
PAGIGING IRESPONSABLE NG MGA PILIPINO O ANG KAWALAN NG PANININDIGAN
Dahilan upang mag- angkat pa ng mga pangunahing pagkain tulad ng bigas sa ibang bansa, ng mga agrikulturang lupa na ipinagbili para sa mga pabahay.
MALALANG PAGPAPALIT NG MGA LUPANG AGRIKULTURA UPANG GAWING INDUSTRIYAL, BAHAYAN AT GOLF COURSES
Ang pagputol ng mga puno na dahilan ng pagbaha (illegal logging), landslide at erosion.
Ang pagdudumi sa ilog at dagat, pag gamit ng mga nakakalason, paputok at maling paraan ng pangingisda na sumisira sa yamang dagat.
MATINDING KAPABAYAAN SA LIKAS NA YAMAN NG BANSA
Mas lumalaki ang porsyento ng mga walang pinag-aralan dito sa Pinas
KAKULANGAN SA EDUKASYON
Ang pag iwas sa gawain, hanap buhay o trabaho. Katumbas ito ng indolensya.
KATAMARAN