Pangangailangan sa pagsulat Flashcards
Magsisilbing behikulo upang mais a titik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat
Wika
Mahalagang magamit ang ____ sa malinaw, masining, tiyak at payak na paraan
Wika
Ilan paksa o tema lamang ang isusulat?
Isa
Magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat maipaloob sa akda
Paksa
Ang giya sa paghabi ng mga datos/nilalaman ng iyong isusulat
Layunin
Pamamaraan ng pagsulat
Impormatibo, naratibo, ekspositoryo, deskriptibo, argumentatibo
Mag analisa, maging lohikal at obhektibo sa pagsusuri at pagpapaliwanag ng mga impormasyon
Kasanayang pampagiisip
Sapat na kaalaman sa wika at retorika, partikular sa wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap o talata at iba pa
Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
Kakayahang malitagang mga kaisipan at impormasyon sa maayos, organisado, obhektibo, at masining na pamamaraan mula panimula hanggang wakas nito
Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin
Maghatid ng aliw
Malikhaing pagsulat
Makapukaw ng damdamin, makaantig sa imahinasyon at isipan ng mambabasa
Malikhaing pagsulat
Maikling kuwento, dula, tula, komiks, musika, pelikula
Malikhaing pagsulat
Pangaralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag aaral na kailangan para lutasin ang isang problema/suliranin
Teknikal na pagsulat
Isang tiyak na larangan natutunan sa akademiya
Propesyonal na pagsulat
May kaugnayan sa pamamahayag
Dyornalistik na pagsulat
Paggawa ng lesson plan, pagsusulit ng mga guro, medikal report ng doktor, nars
Propesyonal na pagsulat
Bigyang pakilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, disertasyon
Reperensyal na pagsulat
Intelektwal na pagsulat na nagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan
Akademikong pagsulat
Maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng ginagawang pananaliksik
Akademikong pagsulat