Pananaliksik Flashcards
Ito ay tumutukoy sa anumang uri ng sulatin na mababasa ninuman.
Ito ang nagiging batayan ng isang mananaliksik sa kanyang mga datos na kanyang isusulat.
Ito ay may layunin
Teksto
Makapagkuwento o makapang-aliw ng mga mambabasa
Tekstong Pampanitikan
Tula, maikling kwento, pabula, epiko, nobela, at iba pa
Tekstong Pampanitikan
Naglalayong magbigay ng impormasyon o malinaw na paliwanag na walang pagkiling
Tekstong Impormatibo
Ibigay ang limang uri ng tekstong impormatibo
Prosidyural, Nagpapaliwanag, Gumugunita, Ulat, Naglalarawan
(Uri ng Tekstong Impormatibo) Nagbibigay ng mga panuto o hakbang kung paano isakatuparan ang isang gawain o kumpletuhin ang isang proseso
Tekstong Prosidyural
(Uri ng Tekstong Impormatibo) Gumagamit ng bakit at paano naganap ang isang bagay
Tekstong Nagpapaliwanag
(Uri ng Tekstong Impormatibo) Inilalahad kung paano naganap ang isang pangyayari sa impormatibo o nakaaliw ng paraan. Inilalahad nito ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod mula simula hanggang wakas.
Naglalaman ng pangngalan, pandiwa, pangatnig, pang-abay, at iba pa.
Tekstong Gumugunita
(Uri ng Tekstong Impormatibo) Inilahag ng tekstong ito ang mga mahahalagang detalye gaya ng ano, sino, kailan at bakit sa isang espisipikong paksa.
Mga Ulat
(Uri ng Tekstong Impormatibo) Nakatuon ang tekstong ito sa mga katangian ng isang bagay, gaya ng detalye ng pisikal na anyo, amoy, tunog, lasa,
padamdam, at iba pa.
Tekstong Naglalarawan
(Uri ng Tekstong Impormatibo) Tamang paggamit ng air fryer, paghuhurno ng brownie cheescake, pagkabit ng mga piyesa sa mga sasakyan, at iba
pa.
Tekstong Prosidyural
(Uri ng Tekstong Impormatibo) Pagpapaliwanag ng epekto ng bakuna kontra COVID-19 sa ating katawan
Tekstong Nagpapaliwanag
(Uri ng Tekstong Impormatibo) Tumakbo nang matulin si Aldrin kahapon dahil siya ay hinahabol ng aso. Ang sumunod na nangyari ay nagpasalamat
siya dahil hindi siya naabutan at nakagat nito.
Tekstong Gumugunita
(Uri ng Tekstong Impormatibo) ABS-CBN, GMA News, CNN Philippines, Rappler, at iba pa
Mga Ulat
(Uri ng Tekstong Impormatibo) Pagsulat tungkol sa lasa ng samgyupsal, espipikong paglalarawan ng amoy ng langis, at paghawak ng iba’t-ibang uri
ng aso
Tekstong Naglalarawan
Ibigay ang limang bahagi ng Tekstong Impormatibo (Obhetibo)
Pamagat, Panimula, Katawan, Kongklusyon, Talasanggunian
(Bahagi ng Tekstong Impormatibo) Tukuyin ang paksa. Magbigay ng maikling kinalamang impormasyon. Gumawa ng tesis na pahayag
Panimula
(Bahagi ng Tekstong Impormatibo) Idinedetalye ang natukoy na paksa. Ibigay ang mga kahalagahan ng paksa. Isulat kung may kinalabasan o outcome ang paksa. Ibuhos ang mga impormasyongg nakalap mula sa iba’t-ibang batayan o sanggunian
Katawan
(Bahagi ng Tekstong Impormatibo) Muling isulat ang tesis na pahayag gamit ang ibang mga salita. Ulitin ang kahalagahan ng paksa at mga kinalabasan nito. Maaaring magbigay ng mga benepisyo tungkol sa naisulat sa mga mambabasa
Kongklusyon
(Bahagi ng Tekstong Impormatibo) Isulat kung saaang batis ng impormasyon nakuha ang mga detalyeng nailahad. Itala sa dulong bahagi ng papel ang talasanggunian. Siguradhuing mula 2013 lamang ang kinuhang impormasyon
Talasanggunian
Ano ang ibig sabihin ng “APA” 7th Edition Format
American Psychological
Association
Ito ay ginagamit bilang suporta o pandagdag sa mga impormasyong inilahad. Maaaring payak ang paglalarawan o kaya’y malinaw na nakapukaw sa 5 pandama.
Tekstong Deskriptibo
Ibigay ang limang pandama
Paningin, pang-amoy, pandinig, pandama, panlasa
Mga akdang pampanitikan, Talaarawan, Talambuhay, Proyektong panturismo, Suring-basa, Obserbasyon, Sanaysay, Rebyu ng pelikula o palabas. ANG MGA ITO AY HALIMBAWA NG???
Sulatin
(Elemento ng Tekstong Deskriptibo) Ang paglalarawang ito ay hindi sapat upang lumikha ng malinaw na imahe sa isip ng mambabasa
Karaniwang Paglalarawan
Ibigay ang 2 Elemento ng Tekstong Deskriptibo
Karaniwang paglalarawan at Masining na paglalarawan