Panahon ng Espanyol, Amerikano, Komonwelt, at Hapones Flashcards
ang sinaunang Tagalog ay isinulat sa paraang _______. mayroon itong ____ titik: ____ patinig at ____ katinig
silabiko/pantigan
17
3
14
nang masakop ng espanya ang mga pulo sa pilipinas, isa sa mga naging pangunahing layunin nila ang _______
maipalaganap ang Kristiyanismo
mula 1867 hanggang 1899, nakapagpalabas ang mga monarkiya ng espanya ng ______ na atas na nagtatakda ng paggamit at pagtuturo ng wikang espanyol ngunit lahat ito ay pawang nabigo
14
sino ang humadlang sa pagnanais ng monarka na mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga katutubo at maituro sa kanila ang espanyol
mga prayle (na ayon kay marcelo h. del pilar ay dahil natatakot silang maging kolonyang hispano ang mga pilipino sa halip na kolonyalng monastiko)
probisyon ng artikulo VIII ng konstitusyon ng Biak-na-Bato na inakda nina Felix Ferrer at Isabelo Artacho at nilagdaan noong ika-1 ng Nobyembre 1987
Tagalog ang dapat na maging wikang opisyal ng republika. ang ituturo sa elementaryaay wastong pagbasa, pagsasalita, at pagsulat sa wikang opisyal na tagalog, at mga pangunahing simulain ng ingles. ang lalong mataas na edukasyon ay bubuuin ng dalawang kursong ng ingles at dalawang kurso ng pranses. kailanma’t ang ingles ay sapat nang malaganap sa buong kapuluan, ito ay ipapahayag na wikang opisyal.
inihayag ng pangulong William McKinley ng Estados Unidos ang magiging bisa sa Pilipinas ng kasunduan sa Paris noong ika-21 ng Disyembre 1898 sa pamamagitan ng proklamasyon ng ___________
Benevolent Assimilation
ayon sa __________, papasok ang mga Amerikano sa Pilipinas hindi bilang __________ kundi bilang ___________
Benevolent Assimilation
mananakop
kaibigan
dito napag-alamang higit na pinipili ng mga pinunong pilipino ang ingles bilang wikang panturo dahil ingles umano ang mahigpit na nagbibingkis sa mamamayan at mabisang instrumento sa pagpapalaganap ng mga prinsipyo ng demokrasya. dahil dito, inirekomenda ng komisyon ang agarang pagtuturo ng ingles sa mga paaralang primarya
komisyong Schurman
ito ang nagrekomenda ng pagkakaroon ng isang wika na gagamiting midyum ng komunikasyon sa pilipinas gayong may kanya kanyang wika ang bawat pangkat sa bansa
komisyong Taft
ayon kay taft, napili ang Ingles na maging opisyal na wika ng Pilipinas dahil?
ito ang wika ng silangan
wika ng demokratikong institusyon
wika ng kabataang pilipino na hindi marunong ng espanyol
wika ng puwersang namamahala sa pilipinas
(sinasabi ring mas madaling matutunan ang ingles kesa espanyol)
inirekomenda nito ang paggamit ng wikang katutubo sa mga paaralan
komisyong Ford
“an act to provide for the complete independence of the philippine islands, to provide for the adoption of a constitution and a form of government for the philippine islands, and for other purposes”
Philippine Independence Act / Batas Tydings-McDuffie
ano ang tunay na layunin ng hapon sa pagpapasiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig sa asya?
ang pagsusulong ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
sang-ayon ang artikulo IX, s. 2 ng saligang batas 1943 sa propaganda ni Pangulong Jose P. Laurel na ______________
“isang watawat, isang bansa, isang wika”