baryasyon ng wika Flashcards
ang __________ ang ideal na barayting wika na itinuturo upang magamit nang uniporme ang wika. dito itinuturo ang pare-parehong pagbigkas, pagbuo ng salita, pagbuo ng pangungusap, at pagpapakahulugan sa isang wika.
estandardisadong wika
ito ang natatanging paraan ng pagbigkas ng isang tao
punto
ito ang barayti ng wika na nagdudulot ng bahagyang kaibahan sa wika sa pagbigkas, gramatika, at bokubolaryo nito
diyalekto
ito ay ang praktikal na wikang inimbento lang ng mga taongmay magkaibang wika ngunit kailangang magkaintindihan dahil sa dalas ng transaksiyon nila
pidgin
ito ay ang wikang pidgin na lumaganap na ang paggamit sa isang bayan at naging unang wika na ng mga sumunod na henerasyon
creole
ang _________ ay isang pangkat ng mga taong may mga pinagsasaluhang mga tuntuninat inaasahan ukol sa paggamit ng wika
speech community
ito ang pag-aaral ng mga katangiang lingguwistiko ng wika na may halagang panlipunan sa mga taong gumagamit nito na nasa loob ng isang speech community
sosyolingguwistika
ito ang anumang pangkat ng taong nagsama-sama para sa tiyak na layunin
lipunan
ang midyum na gamit ng ng mga tao upang makapag-usap at magkaunawaan
wika
ito ang natatanging paraan ng pagsasalita o pagsulat ng tao na nagsisilbi niyang pagkakakilanlan
idyolek
ito ang kolektibong wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao sa lipunan
sosyolek
tinutukoy nito ang antas ng pormalidad ng paggamit ng wika
estilo ng pananalita
ito ay ang natatanging wikang gamit sa tiyak na konteksto
rehistro
ito ay espesyal na teknikal na bokubolaryo ng isang larangan
jargon
ito ang itinuturing na wika ng kalye na ginagamit sa karaniwang usapan
balbal