PAGSULAT NG BUOD Flashcards
Katumbas ito ng lagom na sa Ingles ay tinawatag na summary.
BUOD
Ito rin ay payak na paraan ng pag-uulat sa trabaho, liham pangnegosyo at dokumentasyon.
BUOD
Ito ay tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang, pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan at iba pa.
BUOD
Ito ay kadalasang ginagamit sa panimula ng mga akdang pampanitikan para maipakita ang pangunahing daloy ng banghay sa simpleng pamamaraan.
BUOD
Karaniwan itong isinusulat sa anyong patalata at hindi sa anyong pabalangkas.
BUOD
MGA KATANGIAN NG ISANG BUOD:
- Nagtataglay ng obhektibong balangkas ng orihinal na teksto.
- Hindi nagbibigay ng sariling ideya o kritisismo.
- Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye o impormasyong wala sa orihinal na teksto.
- Gumagamit ng mga susing salita.
- Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang orihinal na mensahe.
Ito ay tiyak na gumagamit ng pag-uugnay ngunit hindi ito katulad ng dibisyon, comparison, klasipikasyon at kontrast.
SINTESIS
Ito ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin.
SINTESIS
Ipinaliliwanag nito ang paksa sa pamamagitan ng paghahatid nito sa kanyang mga bahagi at inilalahad ito sa isang malinaw at maayos na paraan.
Nagpapaliwanag o explanatory synthesis
Ipinaliliwanag nito ang paksa sa pamamagitan ng paghahatid nito sa kanyang mga bahagi at inilalahad ito sa isang malinaw at maayos na paraan.
Nagpapaliwanag o explanatory synthesis
Hindi nito hinahangad na magdiskurso nang salungat sa isang partikular na punto kundi nilalayon nitong ilahad ang mga detalye at katotohanan sa paraang obhektibo.
Nagpapaliwanag o explanatory synthesis
Gumagamit ito ng deskripsyon o paglalarawan na muling bumuo sa isang bagay, lugar, pangyayari o mga kaganapan.
Nagpapaliwanag o explanatory synthesis
Binibigyang-diin nito ang katotohanan, kahalagahan, kaangkupan ng mga isyu at impormasyong kaakibat ng paksa.
Argumentatibo o argumentative synthesis
Sinusuportahan ang mga pananaw nito ng mga makatotohanang impormasyon na hango sa iba’t ibang sanggunian na inilalahad sa paraang lohikal.
Argumentatibo o argumentative synthesis
Nilalayon nitong ilahad ang ano mang pananaw na mayroon ang manunulat.
Argumentatibo o argumentative synthesis