PAGSULAT NG BIONOTE Flashcards
Ito ay isang uri ng sulating nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa isang indibidwal upang ipakilala siya sa mga tagapakinig o mambabasa.
BIONOTE
Binibigyang-diin nito ang mga bagay-bagay sa buhay ng isang tao tulad ng edukasyon, mga parangal at kaugnay na impormasyong naglalayong maipakita ang kanyang kredibilidad.
BIONOTE
pinaikling termino ng biographical note.
bionote
Isa itong sulating naglalayong bigyang-tuon ang ano mang magandang bagay na taglay ng isang tao, kabilang na rito ang iba’t ibang nagawa niya sa kanyang buhay o kontribusyong panlipunan.
BIONOTE
Kabilang ito sa mga sulating maituturing na volatile.
BIONOTE
MGA URI NG BIONOTE:
- MICRO-BIONOTE
- MAIKLING BIONOTE
- MAHABANG BIONOTE
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE:
- Balangkas sa pagsulat
- Haba ng bionote
- Kaangkupan ng nilalaman
- Antas ng pormalidad
- Larawan
Sinisimulan ito sa isang impormatibong pangungusap na inuuna ang paglalagay ng pangalan, sinusundan ng mga bagay na nagawa at natatapos sa mga detalye kung paano makokontak ang taong tinutukoy.
- MICRO-BIONOTE
Karaniwan itong makikita sa iba’t ibang social media o business card.
MICRO-BIONOTE
Binubuo ng isa hanggang tatlong talatang paglalahad ng mga impormasyon ukol sa taong ipinakikilala. Isang halimbawa nito ay ang bionote ng may-akda ng isang aklat.
MAIKLING BIONOTE
Karaniwan itong makikita sa mga dyornal at magasin.
MAIKLING BIONOTE
Isa itong detalyadong pagpapabatid at pagpapakilala sa kung ano man ang nakamit sa buhay ng taong tinutukoy.
MAHABANG BIONOTE
May kahabaan ang oras o panahon na ginagamit upang basahin ito.
MAHABANG BIONOTE
Isa itong detalyadong pagpapabatid at pagpapakilala sa kung ano man ang nakamit sa buhay ng taong tinutukoy.
MAHABANG BIONOTE