Page 4 Flashcards

1
Q

Sino si John Locke at ano ang kanyang pangunahing ideya?

A

Isang Ingles na pilosopo na nagtanggol sa natural na karapatan (buhay, kalayaan, at ari-arian) at social contract. Naniniwala siya na dapat maglingkod ang gobyerno para sa kapakanan ng nakararami.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Ano ang pangunahing ideya ni Jean-Jacques Rousseau?

A

Itinaguyod niya ang social contract at ang kalooban ng nakararami (general will), na nagsasabing ang tunay na kalayaan ay nagmumula sa pagiging bahagi ng isang gobyernong kumakatawan sa kalooban ng mga mamamayan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ano ang Rebolusyong Industriyal?

A

Isang panahon ng pagbabago mula sa manual na paggawa patungo sa paggamit ng makinarya, na nagdulot ng mabilis na pag-unlad sa industriya, teknolohiya, at ekonomiya.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Ano ang mga sanhi ng Rebolusyong Industriyal?

A
  1. Pag-unlad ng Agham at Teknolohiya – Mga bagong imbensyon at mekanika.
    1. Pagbabago sa Agrikultura – Mas mataas na ani, mas maraming trabahador sa industriya.
    2. Paglago ng Populasyon – Mas maraming pangangailangan sa produkto at manggagawa.
    3. Pag-unlad ng Kapitalismo – Mas maraming negosyo at pamumuhunan sa industriya.
    4. Pag-usbong ng Likas na Yaman – Gamit ng coal at iron ore sa paggawa ng makinarya.
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Ano ang kontribusyon ni James Watt sa Rebolusyong Industriyal?

A

Inimbento niya ang steam engine, na nagpagana sa mga pabrika, tren, at barko, na naging pundasyon ng industriyalisasyon.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Ano ang Spinning Jenny at sino ang nag-imbento nito?

A

Isang makinang nagtatahi ng maraming sinulid nang sabay-sabay, na inimbento ni James Hargreaves noong 1764.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ano ang ambag ni Edmund Cartwright sa industriya ng tela?

A

Inimbento niya ang power loom, isang makinang nagpabilis sa paggawa ng tela noong 1785.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ano ang kontribusyon ni Eli Whitney sa industriya ng bulak?

A

Inimbento niya ang cotton gin, isang makinang nagpapabilis ng proseso ng paglilinis ng bulak.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Ano ang unang matagumpay na steam locomotive at sino ang nagdisenyo nito?

A

Ang The Rocket, dinisenyo ni George Stephenson noong 1829, na nagbigay-daan sa mabilis na transportasyon.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Ano ang Ikalawang Yugto ng Imperyalismo?

A

Isang panahon noong ika-19 hanggang ika-20 siglo kung saan mas naging agresibo ang mga bansang Europeo sa pagpapalawak ng kanilang imperyo para sa ekonomiya, teknolohiya, at militar.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Ano ang apat na uri ng Imperyalismo?

A
  1. Kolonya – Direktang kontrol ng isang bansa sa isang teritoryo (Hal: India sa ilalim ng Britanya).
    1. Protektorado – May limitadong awtonomiya ang lokal na gobyerno, ngunit nasa banyaga ang kontrol sa panlabas na isyu (Hal: Egipto sa ilalim ng Britanya).
    2. Konsesyon – Pinapayagan ang banyagang bansa na magnegosyo o magmina sa isang teritoryo (Hal: China at mga banyagang konsesyon).
    3. Sphere of Influence – Hindi direktang pinamamahalaan, pero malakas ang kontrol sa ekonomiya at politika (Hal: Mga bansang Europeo sa China).
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Ano ang kahalagahan ng Rebolusyong Amerikano at Pranses?

A

Ang parehong rebolusyon ay nagdulot ng malaking pagbabago sa pulitika at lipunan, na humantong sa mas maraming karapatan at kalayaan ng mamamayan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Ano ang Deklarasyon ng Kalayaan (Hulyo 4, 1776)?

A

Isang dokumentong ipinahayag ng mga kolonya ng Britanya sa Amerika na nagdedeklara ng kanilang kalayaan, batay sa prinsipyo ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at karapatan ng tao.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Ano ang kahalagahan ng Labanan sa Lexington at Concord (Abril 1775)?

A

Ito ang unang labanan sa pagitan ng mga kolonya at Britanya, na naging simula ng Rebolusyong Amerikano.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Ano ang papel ng Unang at Ikalawang Kongresong Kontinental?

A

Ang mga ito ang nagsilbing pamahalaan ng mga kolonya sa panahon ng rebolusyon at nag-organisa ng hukbong Amerikano.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Ano ang Kasunduan sa Paris (1783)?

A

Isang kasunduan kung saan pormal na kinilala ng Britanya ang kalayaan ng Estados Unidos, na nagtapos sa Rebolusyong Amerikano.

17
Q

Ano ang kahalagahan ng Pagbagsak ng Bastille (Hulyo 14, 1789)?

A

Isang simbolikong pangyayari na nagpasimula ng Rebolusyong Pranses laban sa monarkiya at absolutismo.

18
Q

Ano ang Deklarasyon ng mga Karapatan ng Tao at ng Mamamayan (Agosto 1789)?

A

Isang dokumentong nagtatakda ng mga karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran ng mga mamamayan.

19
Q

Ano ang naging epekto ng pagbitay kay Haring Louis XVI (Enero 1793)?

A

Ito ay nagpahiwatig ng pagtatapos ng monarkiya at pagtatatag ng isang republika sa Pransya.

20
Q

Ano ang Panahon ng Terror (1793-1794)?

A

Isang yugto ng rebolusyon kung saan libo-libong tao ang pinatay sa ilalim ng pamumuno ni Maximilien Robespierre dahil sa pinaghihinalaang pagtataksil sa rebolusyon.

21
Q

Ano ang naging papel ni Napoleon Bonaparte sa pagtatapos ng Rebolusyong Pranses (1799)?

A

Siya ay umakyat sa kapangyarihan at nagtayo ng bagong pamahalaan, na nagwakas sa Rebolusyong Pranses.

22
Q

Ano ang nasyonalismo?

A

Isang kilusan na naglalayong itaguyod ang kalayaan, pagkakakilanlan, at karapatan ng isang bansa o lahi.

23
Q

Paano lumaganap ang nasyonalismo sa Europe?

A

Nagdulot ito ng mga rebolusyon tulad ng Rebolusyong Pranses at nagbigay inspirasyon sa pagsasama-sama ng Italy at Germany bilang mga bansa.

24
Q

Ano ang papel nina Simón Bolívar at José de San Martín sa Latin America?

A

Pinamunuan nila ang mga himagsikan laban sa kolonyalismo ng Espanya upang maitatag ang mga malalayang bansa.

25
Q

Paano lumaganap ang nasyonalismo sa Africa at Asia?

A

Naging daan ito sa paglaban sa kolonyalismo, gaya ng kilusang pinamunuan ni Mahatma Gandhi sa India at iba pang nasyonalistikong kilusan sa Egypt.

26
Q

Ano ang papel ng Katipunan sa Rebolusyong Pilipino?

A

Isang lihim na samahan na itinatag ni Andres Bonifacio upang simulan ang armadong paglaban laban sa mga Kastila.

27
Q

Paano naging simbolo ng nasyonalismo si José Rizal?

A

Sa pamamagitan ng kanyang mga akda, tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, na nagmulat sa mga Pilipino sa kalupitan ng mga Kastila.

28
Q

Ano ang naging papel ni Emilio Aguinaldo sa paglaban sa mga Amerikano?

A

Pinamunuan niya ang rebolusyong Pilipino laban sa pananakop ng mga Amerikano, kabilang ang Philippine-American War.

29
Q

Paano napanatili ng Thailand ang kanilang kalayaan sa panahon ng imperyalismo?

A

Sa pamamagitan ng matalinong diplomasya at pagsuporta sa interes ng parehong Britanya at Pransiya upang maiwasan ang direktang pananakop.

30
Q

Ano ang ginawang reporma ng mga hari ng Thailand upang mapanatili ang kanilang kasarinlan?

A

Sina King Mongkut (Rama IV) at King Chulalongkorn (Rama V) ay nagpatupad ng modernisasyon upang makipagsabayan sa mga kanluraning kapangyarihan.