Aralin 1 Flashcards
Ano ang Renaissance?
Ang Renaissance ay nagmula sa salitang Italian na nangangahulugang “pagsilang muli.” Ito ay isang panahon ng pagbabago at pag-unlad sa sining at agham, kung saan muling isinilang ang mga ideya ng klasikal na panahon.
Ano ang mga pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Renaissance sa Italya?
• Ang Humanismo
• Larangan ng Sining at Panitikan
• Larangan ng Pagpipinta
• Larangan ng Agham
Ano ang Humanismo?
Isang kilusang intelektwal noong Renaissance na nagbigay-diin sa pag-aaral ng klasikal na sibilisasyon ng Gresya at Roma upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay.
Sino ang tinaguriang mga Humanista?
Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral ng klasikal na sibilisasyong Griyego at Romano.
Ano ang naging kontribusyon ni Roger Bacon?
Isinulong niya na dapat suriin ang lahat ng kaalaman sa pamamagitan ng eksperimento at katibayan.
Sino si Francisco Petrarch?
Isang Italyanong manunulat na tinaguriang “Ama ng Humanismo.” Sinulat niya ang His Sonnets to Laura, isang tula ng pag-ibig.
Ano ang naging ambag ni William Shakespeare?
Tinaguriang “Makata ng mga Makata.” Sumulat ng tanyag na mga dula tulad ng Romeo at Juliet, Hamlet, Julius Caesar, Anthony at Cleopatra, at Scarlet.
Sino si Niccolò Machiavelli at ano ang kanyang tanyag na aklat?
Siya ay isang diplomatikong manunulat mula Florence, Italya. Ang kanyang aklat na The Prince ay nagtuturo ng prinsipyong “Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan.”
Ano ang mga tanyag na likha ni Michelangelo Bounarotti?
• Estatwa ni David
• La Pieta
• Mga pinta sa kisame ng Sistine Chapel sa Batikano
Ano ang kontribusyon ni Leonardo da Vinci?
Isang henyo sa maraming larangan. Kanyang obra maestro ang Huling Hapunan at siya rin ay isang arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero, at pilosopo.
Ano ang Teoryang Copernican?
Ayon kay Nicolaus Copernicus, ang mundo ay umiikot sa kanyang aksis at sa paligid ng araw, salungat sa paniniwalang ang mundo ang sentro ng sansinukob.
Ano ang naging ambag ni Galileo Galilei?
Naimbento niya ang teleskopyo at napatunayan ang Teoryang Copernican.
Ano ang teorya ni Sir Isaac Newton?
Ang Batas ng Universal Gravitation – ang bawat planeta ay may kani-kaniyang lakas ng grabitasyon na dahilan ng kanilang wastong pag-inog.
Ano ang Repormasyon?
Isang kilusang relihiyoso noong 1517 na pinangunahan ni Martin Luther upang tutulan ang maling gawain ng Simbahang Katoliko, tulad ng pagbebenta ng indulhensiya.