Aralin 2 Flashcards
Ano ang Repormasyon?
Isang kilusang relihiyoso noong 1517 na pinangunahan ni Martin Luther upang tutulan ang maling gawain ng Simbahang Katoliko, tulad ng pagbebenta ng indulhensiya.
Ano ang mga pangunahing dahilan ng Repormasyon?
• Pagka-dismaya sa Simbahang Katoliko dahil sa mga abuso tulad ng indulhensiya.
• Pagpapalaganap ng ideya ni Luther na “biyaya” at “pananampalataya” lamang ang daan sa kaligtasan.
• Pagtutol sa walang hangganang kapangyarihan ng Papa.
Ano ang naging epekto ng Repormasyon?
Nagdulot ito ng pagkakahati sa mga Kristiyano at pag-usbong ng iba’t ibang sekta ng Protestantismo, tulad ng Lutheran at Calvinist.
Ano ang Kontra-Repormasyon?
Isang kilusan ng Simbahang Katoliko upang labanan ang Protestantismo at palakasin ang Katolikong pananampalataya.
Ano ang mga pangunahing hakbang ng Kontra-Repormasyon?
• Pagpapalakas ng Inkwisisyon – Pag-uusig sa mga erehe at pagpapataw ng parusang kamatayan.
• Pagpapalaganap ng mga Jesuita – Itinatag ni Ignatius Loyola upang magpalaganap ng edukasyon at tamang aral.
• Konseho ng Trento (1545-1563) – Pinagtibay ang mga doktrina ng Katoliko at isinulong ang reporma sa simbahan.
Ano ang epekto ng Repormasyon at Kontra-Repormasyon?
- Pagkakahati ng relihiyon sa Europa – Lumaganap ang Protestantismo habang nanatiling dominante ang Katolisismo sa ilang lugar.
- Pagtaas ng kapangyarihan ng mga monarko – Hindi na kinikilala ng ilang hari ang awtoridad ng Papa.
- Pag-unlad ng edukasyon – Nagpalaganap ng literacy ang mga Jesuita at iba pang misyonaryo.
- Pagbabago sa pamamahala ng Simbahan – Naging mas organisado ang Simbahang Katoliko.
Ano ang Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo?
Tumutukoy sa ika-15 hanggang ika-18 siglo kung kailan nagsimulang lumawak ang teritoryo at impluwensya ng mga bansang Europeo sa pamamagitan ng kolonisasyon at kalakalan.
Ano ang pangunahing dahilan ng Imperyalismo at Kolonyalismo?
Ang paghahanap ng bagong ruta ng kalakalan, yaman, at lupaing masasakop upang mapalakas ang kapangyarihan ng Europa.
Ano ang naging papel ng Portugal sa imperyalismo?
• Pinangunahan ni Prinsipe Henry the Navigator ang paggalugad sa Kanlurang Aprika.
• Bartolomeu Dias – Natagpuan ang ruta pasilangan sa timog ng Aprika (Cape of Good Hope).
• Nanguna sa kalakalan ng pampalasa sa India at Malacca sa Timog-Silangang Asya.
Ano ang naging papel ng Espanya sa imperyalismo?
• Christopher Columbus – Unang paglalayag sa Amerika sa suporta nina Haring Ferdinand II at Reyna Isabel I.
• Treaty of Tordesillas (1494) – Hinati ng Papa ang mundo sa pagitan ng Espanya at Portugal.
• Amerigo Vespucci – Patunay na hindi Asya kundi “Mundus Novus” (Bagong Daigdig) ang natuklasan ni Columbus.
• Ferdinand Magellan – Unang Europeo na nakarating sa Asya sa rutang pakanluran, napatunayan na bilog ang mundo.
Ano ang layunin ng Kasunduang Zaragosa?
Upang hatiin ang Mollucas at ang mga hangganan nito sa pagitan ng Espanya at Portugal.