PAG-UNAWA SA MGA GRAPIKONG REPRESENTASYON Flashcards
-binubuo ng mga GRAP, TALAHANAYAN, TSART, TSART FLOW at ORGANISASYONG ISTRUKTURAL.
Grapikong representasyon
Ginagamit ang mga ito upang madali at malinaw na maipaliwanag ang mga numerikong datos na nakalap sa pananaliksik.
Grapikong representasyon
PARAAN NG PAGPAPAKAHULUGAN SA GRAPIKONG REPRESENTASYON:
- Tiyakin ang dahilan sa pagbasa at pagpapakahulugan sa grap, tsart, talahanayan at iba pang uri nito upang maging maayos ang pagbibigay-kahulugan at pagsusuri sa mga datos.
- Sundin ang layunin o panuto sa paglalapat ng datos at pagsusuri nito.
- Basahin sa pasalaysay na teksto na nagpapaliwanag sa nilalaman at layunin nito, tingnan din ang pamagat at sab-seksyon ng grap.
- Unawain ang legend at scale of miles nito.
- Tingnan din ang mga tala sa gilid, itaas o ibabang bahagi, suriin ang mga kahulugan nito ayon sa legend.
Sinong nagsabi na ang grap ang pinakamabisang paraan upang mailarawan ang mga datos o impormasyon sa biswal na representasyon.
Bautista at Menez (2008)
Ito ang pinakamabisang paraan upang mailarawan ang mga datos o impormasyon sa biswal na representasyon.
a. Grap
b. Flow tsart
c. Talahayanan
d. Organisasyong instruktural
Grap
pagsagot sa tanong na nagbibigay ng mga impormasyong makikita sa grap.
a. Literal na kahulugan
b. Kahulugan sa antas na interpretatibo
c. Pagsusuri sa kahulugan ng datos
Literal na kahulugan
paghango sa kahulugang
ipinapahiwatig ng kaugnayan ng mga impormasyong inilalarawan sa grap.
a. Literal na kahulugan
b. Kahulugan sa antas na interpretatibo
c. Pagsusuri sa kahulugan ng datos
Kahulugan sa antas na interpretatibo
pagbuo ng ideya, paghahambing, pagbibigay ng hula o prediksyon ng konklusyon tungkol sa mga inilahad na impormasyon sa grap.
a. Literal na kahulugan
b. Kahulugan sa antas na interpretatibo
c. Pagsusuri sa kahulugan ng datos
Pagsusuri sa kahulugan ng datos
-Ito ay binubuo ng dalawang guhit perpendicular o hugis L.
-Ang patayo at ibabang linya ay may kaukulang pagtutumbas.
-Gamit ang linya at tuldok tinutukoy ang interval, bilis, bagal o tagal ng mga bagay (salik) na nakatala sa bawat gilid.
a. Layn grap
b. Pay grap
c. Bar grap
d. Pikto grap
Layn grap
-Gumagamit ng bibig na parang pie.
-Ang bilog ay hinahati sa kwadrant na binubuo ng 100%.
-Ang porsyento o digri ng pagtutumbas ay iguguhit batay sa aktwal na hati nito sa bilog.
a. Layn grap
b. Pay grap
c. Bar grap
d. Pikto grap
Pay grap
-Sa halip na tuldok at linya, bar ang ginagamit upang tukuyin ang kantidad.
-Parisukat ang anyo ng grap, maaaring patayo o pahiga ang mga datos na sinisimbulo ng bar.
-Maari ding gumamit ng mga pangkulay upang mas maganda at maayos na maipaliwanag ang
datos.
a. Layn grap
b. Pay grap
c. Bar grap
d. Pikto grap
Bar grap
-Sa grap na ito ay mga larawan ang ginagamit upang kumatawan sa mga datos at impormasyon. Mahalaga na maging magkakasinlaki ang mga larawan.
-Epektibo rin ang uring ito ng grap sa paghahambing ng datos sa iba’t ibang panahon.
a. Layn grap
b. Pay grap
c. Bar grap
d. Pikto grap
Pikto grap
-Ipinakikita ng ganitong uri ng representasyon ang daloy o flow ng isang proseso o maaaring pangyayari.
-Binubuo ito ng ibat ibang hugis sa pinagtatalaan ng mga prosesong dapat sundin o isagawa.
-Ang mga guhit o strands na nagdurugtong sa bawat proseso ay mahalaga ring maunawaan para sa pagsusuri sa takbo ng proseso.
a. Grap
b. Flow tsart
c. Talahayanan
d. Organisasyong instruktural
Flow tsart
-Nasa anyong tabulasyon ang mga datos.
-Mayroong kaukulang kolum ang bawat paksa. Katulad ito sa matrix sa istatistiks.
a. Grap
b. Flow tsart
c. Talahayanan
d. Organisasyong instruktural
Talahayanan
Kapag naglalapat ng numerikong datos gamit ang talahanayan, kailangang:
- Agad na matukoy kung ilang hanay at kolum ang kakailanganin,
- Lagyan ng leybel ang bawat hanay at kolum,
- Dapat maging malinaw at tiyak ang mga datos sa bawat hanay at kolum,
- May pamagat ang talahanayan at sikaping sa pamagat palamang ay mauunawaan na ng target na gagamit/babasa nito kung tungkol saan ang talahanayan.
- Itala sa ilalim ng talahanayan ang source o kung saan nakuha ang datos na inilapat sa talahanayan.