Naratibong Ulat Flashcards
Dokumentadong ulat ng pangyayari sa isang pagpupulong, komperensya, kombensyonal, programa, palatuntunan, at iba pa na isinusulat ng kronolohikal na paraan.
Naratibong Ulat
Kahalagahan ng Naratibong Ulat
- Isang pagtatala ng nangyari o kaya’y posibleng mangyari pa, mahalaga ito upang magkaroon ng sistematikong dokumentasyon ang mga nangyari o kaya’y kaganapan na mababalikan kapag kinakailangan.
- Upang makapagbigay ng sapat na impormasyon sa maga taong nais makakuha ng impormasyon hinggil sa isang espisipikong bagay, serbisyo, produkto pangyayari.
Dalawang elemento ng Naratibong Ulat
- Kronolohikal na Pagkakaayos
- Walang kinikilingan o kaya’y may sariling opinyon sa pangyayari
Mahalaga na ang pagsusulat nito ay magsisimula at magtatapos batay sa nangyari
Kronolohikal na Pagkakaayos
Dahil ang isang naratibong ulat ay may layunin, hindi maaring maglagay ng personal na opinyon o kaya’y kuro-kuro sa naganap
Walang kinikilingan o kaya’y may sariling opinyon sa pangyayari
Mahalaga ang iba’t ibang elemento ng talatang nagsasalaysay upang maging mahusay at nararapat ang isang naratibong ulat
Buo ang Mahahalagang Elemento ng isang Talatang Nagsasalaysay
Ano ang mga elemento ng isang Talatang Nagsasalaysay?
a. Konsepto
b. Mga Kasali/Kasangkot na Tao
c. Resolusyon
Mahalagang malinaw sa naratibong ulat ang konteksto ng pag-uusap/pagpupulong/gawain dahil ito ang magtatakda ng kabuuang set-up ng pagkikita
Konsepto
Ano ang mga tanong na kailangang masagot sa konsepto?
- Kailan naganap ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?
- Saan naganap ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?
- Tungkol saan ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?
Kailangang masagot ang sumusunod na tanong:
a.1. Kailan naganap ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?
a.2. Saan naganap ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?
a.3. Tungkol saan ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?
Konsepto
Kung sino-sino ang kasali sa gawain
Mga Kasali/Kasangkot na Tao
Paano kikilalanin ang mga kasali na tao sa unang pagbanggit?
Banggitin ang buong pangalan
Paano babanggitin uli ang mga taong kasali sa gawain?
Apelyido na lamang ang gagamitin
Paano babanggitin ang pangalan ng taong kasali sa gawain kung may kapareho sila ng apelyido?
- Babanggitin ang unang letra ng pangalan bago ang buong apelyido
- Hal. Bb. A Perez at G. S. Perez
- Magkaroon ng paglilinaw, desisyon, o rekomendasyon
- Itala ang resolusyon sa pinakamatapat na pamamaraan
- Maging verbatim ang nabuong resolusyon
Resolusyon (Kung mayroon man)