Feasibility Study Flashcards
Pamamahala ng pananaliksik na ginagamit upang masuri kung ang negosyong may produkto o serbisyo ay maaari bang isagawa bago ito paglaanan ng pondo o kapital
Feasibility Study
Ang feasibility study ay may ___________ at _____________ na datos
Sapat at tamang datos
Mga Bahagi ng Feasibility Study
- Deskripsyon ng Negosyo
- Deskripsyon ng Produkto o Serbisuo
- Layunin
- Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo
- Pagsusuri ng Lugar
- Mga Mapagkukunan
- Mamamahala
- Pagsusuri ng Kikitain
- Estratehiya ng Pagbebenta
- Daloy ng Proseso
- Mga Rekomendasyon
- Apendise
Mga mungkahi na pangalan para sa negosyong itatayo kabilang ang mga taong magtatatag nito at ang inaasahang kalalabasan ng negosyong itatatag
Deskripsyon ng Negosyo (Business/Project Description)
Inilalarawan ang produkto/serbisyong nakapaloob sa negosyong itatayo. Maaaring ito ay pagkain, mga damit, gadgets, at iba pa
Deskripsyon ng Produkto/Serbisyo (Product/Service Description)
Sa pagsulat ng feasibility study, mahalagang mailathala ang mga pananandalian at pangmatagalan na layunin at ano-ano ang proseso upang makamit ang mga layuning mailathala
Layunin (Goal and Purpose)
Itala ang mga magagastos sa pagtatayo ng negosyo. Alamin ang mga kakailanganing puhunan sa mga produkto kabilang na ang halaga ng mailalaan sa isasagawang pananaliksik o feasibility study
Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo
Alamin ang lugar na nais maging lokasyon ng produkto at negosyong itatayo
Pagsusuri ng Lugar (Market Analysis)
Aaralin ng mananaliksik kung magiging malakas o mahina ang kikitain ng negosyo sa pipiliing lokasyon
Pagsusuri ng Lugar (Market Analysis)
- Kilalanin ang mga mapagkukunan o supplier ng produkto, kagamitan, tulong teknikal
- Gayundin, ang ahensya na maaaring magpadala sa mga empleyado na kakailanganin sa negosyo
Mga Mapagkukunan (Resources)
- Itala ang mga maaaring mamamahala o kung kinakailangan bang kumuha ng karagdagang tao sa pagpapatakbo ng negosyo
- Isa-isahin ang mga gawain na nangangailangan ng taong gaganap at susubaybay sa negosyo
Mamamahala (Management and Team)
kikitain ng produkto o serbisyo sa bawat araw. Pag-aaralan kung rasapat ba ang kita sa bawat araw, linggo, buwan para tustusan ang pasuweldo, upa, puhunan, kuryente, tubig, internet connection, at aktwal na kita ng may-ari
Pagsusuri ng Kikitain (Estimated Profit)
- Ilalagay sa bahaging ito ang mga mungkahing pamamaraan na dapat tahakin upang makapanghikayat ng mga tatangkilik ng produkto a serbisyo
Estratehiya ng Pagbebenta (Marketing Strategy)
Isinaalang-alang sa bahaging ito ang kakayahan ng mamimili at kaugalian sa pagtangkilik ng produkto o negosyo
Estratehiya ng Pagbebenta (Marketing Strategy)
- Ipakita ang daloy sa pagbuo ng plano para sa Negosyo
- Maaaring gumamit ng flow chart bilang representasyon
Daloy ng Proseso (Process Flow)