Naratibo Flashcards
Ito ay pasalaysay o pagkuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang sa katapusan.
Tekstong Naratibo
Halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong naratibo:
- maikling kwento, nobela, mito, kwentong bayan, alamat, pabula
- anekdota
- talambuhay
- paglalakbay
- balita
- report tungkol sa nabasang libro/nobela
- rebyu ng pelikula, aklat, o palabas
- buod ng kwento
Elemento ng Tekstong Naratibo:
- tauhan
- tagpuan
- banghay
- paksa
Gumaganap sa isang kwento
Tauhan
Mga karaniwang tauhan sa naratibo:
- pangunahing tauhan
- kasamang tauhan
- katunggaling tauhan
- ang may akda
Isa ito sa karaniwang tauhan na umiikot ang pangyayari sa kwento mula simula hanggang katapusan
Pangunahing tauhan
Isa ito sa karaniwang tauhan na kasama ng pangunahing tauhan
Kasamang Tauhan
Isa ito sa karaniwang tauhan na kumakalaban sa pangunahing tauhan
Katunggaling tauhan
Isa ito sa karaniwang tauhan na laging nakasubaybay ang kamalayan ng awtor
Ang may akda
2 uri ng tauhan:
- tauhang bilog
- tauhang lapad
isa ito sa sa mga uri ng tauhan na nagbabago ang katauhan sa loob ng akda
Tauhang bilog
isa ito sa mga uri ng tauhan na hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang katapusan
Tauhang lapad
Tumutukoy sa lugar at panahon na isinasalaysay
Tagpuan
Binubuo ng mga kawil-kawil na pangyayari. Inaayos ang mga pangyayari upang makabuo ng isang estruktura o porma.
Banghay
Banghay:
- panimula
- pataas na aksiyon
- kasukdulan
- pababang aksiyon
- wakas