Deskriptibo Flashcards
Tekstong deskriptibo kilala bilang?
Tekstong naglalarawan
layuning ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao, ideya, paniniwala, at iba pa.
Tekstong Deskriptibo
Halimbawa ng mga sulatin na gumagamit ng tekstong deskriptibo:
- talaarawan
- proyektong panturismo
- talambuhay
- rebyu ng pelikula o palabas
- obserbasyon
- akdang pampanitikan
2 uri ng paglalarawan
- karaniwan
- masining
Uri ng paglalarawan na nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang paningin o pangmalas
Karaniwan
Uri ng paglalarawan na ginagamitan ng salita ng mga pang-uri, pang-abay, tayutay at idyoma.
Masining
Ito ay sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay, at kaakit-akit ang pagpapahayag.
Tayutay
8 tayutay:
- pagtutulad (simile)
- pagwawangis (metaphor)
- pagtatao ( personification)
- eksaherasyon (hyperbole)
- paguyam (sarcasm)
- pagpapalit-tawag (metonymy)
- paglilipat-saklaw (synecdoche)
- paghihimig (onomatopoeia)
Paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Ginagamitan ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, atbp.
Pagtutulad (simile)
isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, para ng, kawangis ng, atbp.
Pagwawangis (methapor)
Nagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay na walang talino. Pandiwa ang ginagamit dito.
Pagtatao (personification)
Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, atbp.
Eksaherasyon (hyperbole)
pananalitang nangungutya ng tao, bagay, tila kapuri-puring pangungusap
Paguyam (sarcasm)
Pansamantalang pagpapalit ng pangalan ng bagay na magkaugnay
Pagpapalit-tawag (metonymy)
Ito ay pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan
Paglilipat-saklaw (synecdoche)