Mga Hakbang sa Pagsusulat ng Pananaliksik Flashcards
isa ito sa mga hakbang sa pagsulat ng pananaliksik na ang pangunahing ideya na daan sa takbo ng isinagawang pananaliksik kaya napakahalaga
Pagpili ng Paksa
Iba’t Ibang Maaaring Mapagkunan ng Paksa:
- internet at social media
- telebisyon
- diyaryo o magasin
- mga pangyayari
- sarili
isa ito sa mga hakbang ng pananaliksik na gumamit ng iba’t-ibang search engine sa pagsisiyasat tungkol sa iyong paksa. Bumisita sa iba’t-ibang website upang makahanap ng iba pang sanggunian. Siguruhin lamang na mapagkatiwalaan ang paghahanguan ng impormasyon.
kumalap ng mga impormasyon
ito ay isa sa mga hakbang ng pananaliksik na kadalasang isang pangungusap na nagsasaad ng argumento ng sulatin at karaniwang makikita sa panimulang bahagi. Ang katawan naman ng saliksik ay tumatalakay sa mga ebidensiyang nagpapatibay o sumusuporta sa tesis na pahayag.
bumuo ng tesis na pahayag
isa ito sa mga hakbang ng pananaliksik na ang isang lohikal at kongkretong pagkakasunod-sunod ng mga ideyang kailangang isali sa bubuuing sulatin. Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na balangkas upang makabuo ng isang organisadong sulatin. Tiyaking maisasama ang mahahalagang datos na makatutulong sa pagpapatibay ng tesis.
gumawa ng isang tentatibong balangkas
katangian ng tentatibong balangkas:
- panimula
- katawan
- kongklusiyon
isa ito sa tentatibong balangkas na Ipaliwanag dito ang pangunahing kaisipang nais bigyang-diin at ang kahalagahn ng bagong kaalamang makukuha mula rito ng mambabas upang mahikayat siyang basahin ang saliksik.
panimula
isa ito sa tentatibong balangkas na Inilalahad ang mga argumento na susuporta sa iyong tesis na pahayag.
katawan
isa ito sa tentatibong balangkas na Nilalagom ang lahat ng tinatalakay sa katawan ng saliksik. Muling binabanggit ang tesis na pahayag nang nakasulat sa ibang paraan upang muling ipaalala sa mambabasa ang argumento ng pananaliksik.
kongklusiyon
isa ito sa mga hakbang ng pananaliksik na inorganisa ang lahat ng mga tala at impormasyong nakalap ayon sa pagkakasunod-sunod ng inihandang balangkas. Suriing mabuti ang mga datos na nasaliksik kung wasto, tiyak, at napapanahon. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng pagsusulat ng pananaliksik sapagkat dito sinusuri, binubuo. Inaayos at pinagsama-sama ang lahat ng impormasyong mahalaga para sa saliksik.
pagsasaayos ng mga tala
isa ito sa mga hakbang ng pananaliksik na matapos ayusin ang mga tala batay sa ginawang balangkas, magiging madali na ang pagsunod sa magiging daloy ng nilalaman habang isisulat ang unang burador.
isulat ang unang burador
isa ito sa hakbang ng pananaliksik na matapos maisulat nang buo ang unang burador, basahin itong muli at iwasto ang mga naisulat kung maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga paksa, ang tansmisyon ng mga ideya, ang talakay sa bawat konsepto, at kung wasto ang balarila o gamit ng wika.
rebisahin ang balangkas at ang burador
isa ito sa hakbang ng pananaliksik na pagsapit sa huling bahaging ito, dapat ay ganap nang ginamit ng mananaliksik ang mga bantayang kaalaman sa pagsulat ng pananaliksik.
pagsulat ng pinal na papel
Ito ang ikalawang kabanata o tsapter sa mga sulating pananaliksik. Nakapaloob dito ang mga sumusunod na mahahalagang bahagi.
metodo o pamamaraan
Ipinaliliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disenyo sa pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan, historical o kaya’y eksperimental.
disenyo ng pag-aaral
mga uri ng pananaliksik:
- eksperimental
- korelsyonal
- hambing-sanhi
- sarbey
- etnograpikong
- historikal
- kilos
- deskriptibong
isa ito sa mga uri ng pananaliksik na pinakamabisang uri kung nais tukuyin ang inaasahang resulta.
Binibigyang-pansin ang mga posibleng dahilan na maaaring tumugon sa suliranin.
eksperimental
isa ito sa mga uri ng pananaliksik na matukoy ang kaugnayan ng 2 baraybol nang makita ang implikasyon nito at epekto sa isa’t-isa.
korelsyonal
isa ito sa mga uri ng pananaliksik na pag-alam sa dahilan o pagkakaiba ng dalawang bagay o tao.
hambing-sanhi