Modyul 3: Tugon ng Pamahalaan at Mamamayang Pilipino sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon Flashcards
“LGBT rights are Human Rights”
Ban Ki-moon
nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia noong
Nobyembre 6-9, 2006
Principle 1
ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG
PANTAO
- Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan.
Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan
ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
Principle 2
ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA
DISKRIMINASYON
- Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao
nang walang diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang
pagkakakilanlan. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa
proteksiyon nito, nang walang anumang diskriminasyon, kahit may nasasangkot na
iba pang karapatang pantao.
Principle 4
ANG KARAPATAN SA BUHAY
- Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan. Ang parusang kamatayan
ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa “consensual sexual activity” (gawaing
seksuwal na may pahintulot ng kapwa) ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan.
Principle 12
ANG KARAPATAN SA TRABAHO
- Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa
makatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksiyon labansa dis-empleyo at diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o
pangkasariang pagkakakilanlan.
Prinsipyo 16
ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
- Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasyong naguugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan.
Prinsipyo 25
ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO
- Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko;
kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may
kinalaman sa kanyang kapakanan; at upang mabigyan ng pantay na serbisyopubliko at trabaho sa mga pampublikong ahensiya; kabilang ang pagseserbisyo sa
pulisya at militar nang walang diskriminasyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o
pangkasariang pagkakakilanlan.