Module 1 : Uri ng Gender, Sex at Gender Roles sa Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig Flashcards
*Ito ay ang bayolohikal, pisyolohikal at natural na katangian ng isang tao
mula kapanganakan.
*Ito ay tumutukoy kung lalaki o babae ang isang tao. Ang taglay na mga katangian ng lalaki at babae ay makikita sa anumang lahi, kultura, lipunan
at panahon.
SEX
*May adams apple
* May bayag/titi at testicles
* May XY chromosomes
* May androgen at testosterone
LALAKI
- May developed breast
- May puki at bahay bata
- May xx chromosomes
- May estrogen at progesterone
BABAE
isang social contract at nakabatay sa mga salik panlipunan (social factors).
GENDER
Ang Bansang hindi nagpapahintulot sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan.
halimbawa nito ay ang pag-aresto at pagkulong sa isang activist na si Aziza Al Yousef.
Ngunit ayon sa New York Times noong 2018 ay nabigyang karapatan ang
mga kababaihan na makapagmaneho. Makikita sa ibaba ang orihinal na artikulo
tungkol dito.
SAUDI ARABIA
Kahulugan ng bawat Kulay sa Watawat ng LGBT
- Red – Life and Sexuality
- Orange – Healing and Friendship
- Yellow – Vitality and Energy
- Green – Serenity and Nature
- Blue – Harmony and Artistry
- Violet – Spirit and Gratitude
tungkulin o gampanin base sa kasarian.
Ito ay ang itinakdang pamantayan na basehan ng tungkulin o gampanin ng babae
at lalaki batay sa tinatanggap ng lipunang ginagalawan.
GENDER ROLES
Siya ay inaasahang maghanda ng pagkain, mag-ipon ng tubig
at panggatong, at mag-alaga sa mga anak at kapartner. Babae o Lalaki?
BABAE
ang inaasahang magtrabaho sa labas ng bahay
para suportahan ang pamilya at mga magulang sa pagtanda, at
magtanggol sa pamilya mula sa kapahamakan. Babae o Lalaki?
LALAKI
Yogyakarta Principles (2006) Ito ay
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksiyonal, emosyonal, seksuwal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang
kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
ORIENTASYONG SEXUAL (SEXUAL ORIENTATION)
Yogyakarta Principles (2006) Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at
personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi
nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
pagkakakilanlan at pagpapahayag na pangkasarian
(gender identity and expression)
tao na nagkakagusto o naaakit sa taong hindi kahalintulad ng
kanyang kasarian.
Heterosexual
tao na nagkakagusto o naaakit sa taong kahalintulad ng kanyang
kasarian.
Homosexual
tao na naaakit sa parehong babae at lalaki. Ang ibang tawag sa kanya
ay AC-DC, silahis, atbp.
Bisexual
tao na ipinanganak na may reproductive o sexual anatomy na hindi
akma sa lalaki o babae. Ang halimbawa ay ipinanganak na babae ngunit
mayroon syang male reproductive organ. Ang ibang tawag sa kanya ay
hermaphrodite.
Intersex