Modyul 2: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan Flashcards
Siya ay isang Filipino Celebrity Chef na nakilala sa kaniyang mga palabas sa pagluluto tulad ng Idol sa Kusina at Chef Boy Logro: Kusina Master. Maraming kalalakihan na rin sa kasalukuyan ang nalilinya sa
larangan ng pagluluto.
PABLO ‘Chef Boy’ LOGRO (Lalaki)
Nahalal siyang Senador ng bansa noong 1992-1998. Sa loob ng dalawang taon, siya ay naging Pangalawang Pangulo ng Administrasyong Estrada.
Siya ang ikalawang babae na naging Pangulo ng bansa.
GLORIA M. ARROYO (Babae)
Isa siyang mamamahayag at politiko na
nagsisilbing kinatawan ng 1st District ng Bataan mula noong 2016.
Siya ang unang transgender woman na naluklok bilang kinatawan ng Kongreso.
GERALDINE B. ROMAN (Transgender)
Isang aktor at komedyante na nahalal bilang ViceMayor ng Abucay, Bataan mula 2007-2010 at naging Board Member ng 1st District ng Bataan.
Siya ay isang halimbawa na sa kasalukuyang panahon, may puwang
na ang LGBTQIA+ sa larangan ng pulitika sa Pilipinas.
DEXTER “Teri Onor” DOMINGUEZ (Gay)
Isang mang-aawit na nakilala hindi lamang sabansa kundi sa ibang panig ng mundo.
Tinawag ni Oprah Winfrey na “The Most Talented Girl in the World”.
Isa sa sumikat na awit niya ay ang pinamagatang, Pyramid.
JAKE ZYRUS (Lesbian)
tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o
restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga
karapatan o kalayaan.
Diskriminasyon
Diskriminasyon sa Kalalakihan
Ginagawang paksang biro ang pagtawag
ng ‘House husband’ sa mga kalalakihan na naiiwan at gumaganap ng mga
gawaing pantahanan.
Diskriminasyon sa Kababaihan
Labor Force Participation Rate ng mga kababaihan ay halos 48% habang ang mga kalalakihan ay humigit-kumulang na 77% na mas
mababa sa 29% kaysa sa mga kalalakihan.
Diskriminasyon sa LGBTQIA+
may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa
serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon. Ilan sa mga halimbawa
nito ay may mga kurso, propesyon, at hanapbuhay na para lamang sa babae o
lalaki.
Seven Deadly Sins Against Women
- pambubugbog/pananakit
- panggagahasa
- incest at iba pang seksuwal na pang aabuso
- sexual harassment
- sexual discrimination at exploitation
- limitadong access sa reproductive health
- sex trafficking at prostitusyon.
breast ironing o breast flattening sa Africa
Ito ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy.
dahilan nito ay
upang maiwasan ang:
1. maagang pagbubuntis ng anak
2. paghinto sa pagaaral
3. pagkagahasa
foot binding sa China
Ito ay ang mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa
ng mga babae upang hindi ito lumaki nang normal.
deformed feet ay kilala bilang ‘lotus feet o lily feet’. Ang
pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo
ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal.