Modyul 3: Masinsin at Mapanuring Pagbasa Flashcards
Linya mula sa sikat at kontobersyal na nobela na The Da Vinci Code - ang katotohanan ukol sa kalakhan sa kasaysayan sa mundo.
History is always written by the winners. When two cultures clash, the loser is obliterated, and the winner writes the history books- books which
glorify their own cause and disparage the conquered foe. As napoleon once said, “What is history, but a fable agreed upon?”
Mga yugto kung saan nahahati ang nakaraan
- Panahon bago dumating ang mga Espanyol
- Panahon ng Pananakop ng Espanya
- Panahon ng Pananakop ng Amerika
- Panahon ng Pananakop ng Hapon
- Pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas
- Pagpapalaya at Pagtatayo ng Nagsasariling Republika
Ito ay pagtingin sa kasaysayan kung saana ng Panahon na tayo ay nasa kadiliman, mga barbaro, walang sariling kultura, at atrasado.
Bipartite
Ito ay ang pagtingin sa kasaysayan na hindi totoong walang umiiral na sibilisasyon bago dumating ang mga Espanyol.
Tripartite
Ano ang tatlong bahaging historikal na ideolohiya ni Rizal o tripartite?
- May sariling sibilisasyon ang Pilipinas at may angking kaunlaran
- Pagkabulok at pag-atras ng lipunan sa ilalim ng pamamahala ng
Espanyol. - Paglaya ng malikhaing pwersa ng ating lahi sa pagkamit ng kalayaan.
Sa akdang ito ay tinalakay ni San Juan ang landas na tinatahak ng Pilipinas tungo sa kasalukuyang modernidad nito.
“Kontra- Modernidad: Pakikipagsapalaran sa Pagtuklas ng Sarili Nating Mapagpalayang Kabihasnan”
Ano ang paniniwala ni San Juan sa kanyang akda na Kontra Modernidad
Naniniwala siya na “ang kulturang modernidad ng Pilipinas ay hindi isang paralisadong ideya kundi isang proseso, isang nililikhang gawain na nakaangkla sa nakalipas na karanasan na siyang ugat at binhi ng niyayaring estruktura ng bagong mapagpalayang kaayusan”
Ito ang sinulat si Rizal upang pabulaanan ang mga maling pag-unawa sa kultura ng
mga Pilipino
Anotasyon sa Sucesos De Las Islas Filipinas ni Antonio de Morga (1980)
Ito ang isinulat ni Andres Bonifacio upang ipakita na may sibilisasyon na ang bansa bago dumating ang mga Espanyol
Ang dapat Mabatid ng mga Tagalog (1986)
ipinakita sa akda niya kung paanong ang nagsasariling pag-unlad ng lipunang Pilipino ay natigil dahil sa panghihimasok ng kolonyalismo ng Espanya at imperyalismo ng United States.
Sa akda ni Guerero
Ano ang naging pagbabago ng katangiang panlipunan ng Pilipino
Mula sa dating kolonyal at pyudal na katangian ay nabago ang lipunang Pilipino
tungo sa isang malakolonyal at malapyudal na lipunan.
Ano ang malakolonyal na lipunan
Sinasabing malakolonyal ang Pilipinas dahil kahit pa sinasabing malaya na ang Pilipinas ay patuloy na nilalabag ng United Sates ang soberanya ng bansa at tinitiyak nila na patuloy nilang makokontrol ang ekonomiya,politika, kultura, militar, at ugnayang panlabas ng bansa.
Ano ang malapyudal na Lipunan?
Malapyudal ang sistemang panlipunan ng Pilipinas dahil ang sistemang kapital ay pinapasok sa tradisyunal o lumang pyudal na produksyon. Bagkus, nakasailalim ang katutubong pyudalismo sa Imperyalismong U.S.
Bakit naging kolonyal at malapyudal ang lipunang Pilipino Ayon kay Sison?
Dahil naiimpluwensyahan at umaasa sa isa’t isa ang imperyalismong United
States at pyudalismo.
sa pamamagitan ng pantayong pananaw, ito ang isinulat ni Salazar
ang bagong Balangkas ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan