Modyul 2 Aralin 2 - Ang Suliranin at Kaligiran Nito Flashcards

Yunit 3 – Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

1
Q

Ang bahaging ito ay naglalayong ipaalam sa mga babasa ang saysay at kasaysayan ng iyong pananaliksik.
Nasasaad dito ang mga isyu na pinagmumulan ng mga suliranin na ninananais malapatan ng kasagutan.
Maaaring mahanap ang nilalaman ng bahaging ito sa mga libro, artikulo, dyornal, at iba pang kaparehong pag-aaral mapa-online man o nalilimbag.

A

Introduksyon at Kaligiran ng Pag-aaral

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Ang bahaging ito ay naglalayong ipakita ang mga teorya na sumusuporta sa iyong pananaliksik.
Ang mga teoryang ito ang magiging basehan sa pagbibigaykahulugan sa mga makakalap na datos sa pananaliksik.
Maaaring makakita ng nararapat na teoritikal na balangkas ng pananaliksik sa mga nauna nang pag-aaral sa paksa o isyung nais tugunan.

A

Teoritikal na Balangkas

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ang bahaging ito ay naglalayong ipakita ang proseso ng pananaliksik mula sa mga batayan ng suliraning nais tugunan, ang proseso ng pagkalap, pagsusuri, at pagpapakahulugan ng mga datos hanggang sa ninanais na kahinatnan ng pananaliksik
Ang bahaging ito ay hindi makikita sa anumang sulatin sapagkat ang mananaliksik mismo ang babalangkas sa konsepto ng pag-aaral.
Ito ang magpapakita ng kaibahan ng pag-aaral sa iba pang naunang mga pag-aaral sa katulad ding paksa o isyu.
Ito ang magpapakita ng kaibahan ng pag-aaral sa iba pang naunang mga pag-aaral sa katulad ding paksa o isyu.
Suliranin -> Pagkalap -> Pagpapakahulugan o pagsusuri -> Solusyon

A

Konseptuwal na Balangkas

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Ang bahaging ito ay naglalayong ipakita ang pangunahing suliranin at mga napapailalim na suliranin sa paksa o isyung nais tugunan.
Ito ang pinaka-importanteng bahagi ng kabanata sapagkat ito ang magiging basehan ng lahat ng instrumento at pamamaraang gagamitin sa pagkalap ng datos.
Ito ay karaniwang binubuo ng isang pangunahing suliranin at tatlo o higit pang napapailalim na suliranin.

A

Pagsasaad ng Suliranin

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Ang bahaging ito ay nagsasaad ng pang-unang pananaw ng mananaliksik sa kahihinatnatan ng pag-aaral.
Nababase ito sa bawat nagbabagong batayan at sa relasyon o pagkakaiba ng bawat isa.
Ang mga palagay ay dapat nasasaad sa katayuang “wala”.

Halimbawa:
1. Walang relasyon ang pagkain ng kendi sa pagkasira ng ngipin.
2. Walang pagkakaiba ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pampubliko at pampribadong paaralan.

A

Mga Palagay

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Sa bahaging ito ay naglalayong ipakita ang lugar ng pananaliksik at ang kadahilanan sa pagpili sa naturang lugar.
Importanteng pangatuwiranan ang pagpili ng lugar sapagkat ito ang magsasaad kung kakayanin bang sagutin ng mga manunugon ang paksa o isyu na nais tugunan

A

Pinagdausan ng Pagsasaliksik

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Sa bahaging ito ay naglalayong ipakita ang nasasakop at hangganan ng pag-aaral sa basehang oras, lugar, nagbabagong batayan, at pamamaraan.
Ipinapakita rin sa bahaging ito ang mga bagay na kayang lapatan ng kasagutan ng pananaliksik at ang mga bagay na labas sa sakop ng iyong pag-aaral.
Nararapat na maging masusi sa pagbibigay ng nasasakop at hangganan ng pananaliksik sapagkat ito ang magiging basehan ng kahustohan o kaganapan ng pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon -> Basehang Oras -> Pagdarausang Lugar -> Nagbabagong Batayan -> Pamamaraan

A

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ang bahaging ito ay nagsasaad ng mga operasyonal at teknikal na kahulugan ng mga terminolohiyang ginamit sa paggawa ng pamanahong sulatin. Ito ay makatutulong upang lubusang maintindihan ang nais ipahiwatig ng mananaliksik sa mga mambabasa.

A

Katuturan ng mga Katawagan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly